Ang Pagtanggap sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw Ang Tanging Landas Upang Makapasok sa Kaharian ng Langit
Habang lumalaki ang antas ng mga sakuna, maraming mga tao ang nagnanais na mailigtas tayo ng Panginoon mula sa mga sakuna, at nananabik na ma-rapture sa kaharian ng langit. Ngunit madalas pa rin tayong nabubuhay sa estado ng pagkakasala at pagkumpisal, hindi makaalis sa pagkaalipin at pagkontrol ng kasalanan. Ang Diyos ay banal at matuwid. Paano Niya pahihintulutan ang mga taong madalas na magkasala na pumasok sa Kanyang kaharian? Kaya, maraming mga tao ang nagtataas ng mga pagdududa: Sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay pinatawad na. Ngunit bakit madalas tayong gumawa ng mga kasalanan? Paano natin matatanggal ang kasalanan, madalisay at makapasok sa kaharian ng langit?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon." "Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay." "Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan."
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na kahit na ang ating mga kasalanan ay pinatawad sa pamamagitan ng pagtubos ng Panginoon, ang ating mga tiwaling disposisyon tulad ng pagmamataas, pagkamakasarili at panlilinlang ay hindi natanggal. Kinokontrol ng ating mga tiwaling disposisyon, maaari pa rin tayong magkasala at labanan ang Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pagtakas sa pagkaalipin ng kasalanan at pagkamit ng pagdadalisay ay makakapasok tayo sa kaharian ng Diyos.
________________________________
Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa atin, tinubos tayo mula sa kasalanan, upang makamit natin ang katiyakan ng kaligtasan ng Panginoon, na, gayunpaman, ay hindi nangangahulugang hindi na tayo isang makasalanan. Upang tuluyang makawala sa pagkaalipin sa kasalanan at makapasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating maranasan ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw.