Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos
I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.
Nawa'y kumawala ang sangkatauhan
sa gapos ng kanilang paniniwala,
sa ganoo'y hanapin nila at suriin ang tunay na daan.
Ang lahat ng mga pinili ng Diyos
nawa'y sumunod sa mga yapak ng Kordero.
Nawa'y makamtan ng sangkatauhan ang pagtustos
ng salita ng Diyos ng hindi na mauhaw ang kanilang espiritu.
Nawa'y matutunan ng sangkatauhan
na magkaroon ng pagkaunawa
at nang hindi na malinlang ng mga kasinungalingan ni Satanas.
Nawa'y patnubayan tayo ng Diyos upang maipangaral
ang ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya.
Nawa'y palaging kasama ng Diyos ang Kanyang bayan,
panatilihin tayong nabubuhay sa Kanyang pagmamahal.
II
Nawa'y bigyang liwanag tayo ng Diyos,
nang maunawaan natin ang Kanyang salita
at malaman ang Kanyang kalooban.
Nawa'y pakamahalin ng mga tao
ang salita ng Diyos at isabuhay ito.
Nawa'y lagi tayong hatulan at disiplinahin ng Diyos,
nang matapat nating matupad ang ating tungkulin.
Nawa'y bigyan pa tayo ng Diyos ng mas maraming pagsubok,
nang ang ating mga disposisyon ay magbago.
Nawa'y malaman ng lahat ng tao ang mabuti sa masama,
isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos.
Nawa'y parusahan ng Diyos ang mga gumagawa ng masama,
upang maging payapa ang buhay sa iglesia.
Nawa'y perpektuhin ng Diyos ang mas maraming tao
upang maging kaisa ng Kanyang puso
at kaisa ng Kanyang isipan.
Nawa'y lahat ng tao ay mag-alay ng tunay
na pagmamahal sa kaibig-ibig na Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos ang lahat ng nagbabalik sa Kanya,
upang lahat tayo ay mabuhay sa liwanag.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Ano ang panalangin? Ang panalangin ay nangangahulugan na tayo ay maging inosente at bukas sa harap ng Diyos, na sinasabi natin sa Diyos kung ano ang nasa ating puso, na sinasabi natin sa Diyos ang ating mga praktikal na isyu at paghihirap, at na hinahanap natin ang kalooban at mga kahilingan ng Diyos. Ang lahat ng ito ay nangangahulugang nagsasabi tayo ng isang tunay na panalangin sa Diyos at bukas ang ating mga puso sa Diyos.