Tanging sa Pag-unawa sa Tunayna Kahulugan ng "Cordero" Magkakaroon Ka ng Pagkakataon na Sundan ang mga Yapak ng Cordero

21.03.2021

"Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero" (Pahayag 14:4).

Ang pagsalubong sa Panginoon sa mga huling araw upang makapasok sa kaharian ng Diyos ang pinakadakilang panghabang-buhay na pag-asa ng bawat Kristiyano. Lalo na, ang mga sakuna ngayon ay ipinapakita na palaki ito ng palaki, at ang buong mundo ay nahaharap sa banta ng mga sakuna. Mas lalo tayong umaasa na ang Panginoon ay babalik sa lalong madaling panahon upang iligtas tayo mula sa mga sakuna. Kaya, paano natin masasalubong ang Panginoon?

Ipinopropesiya sa Pahayag, "At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon" (Pahayag 14:4). Kung nais nating mahanap ang mga yapak ng Cordero, dapat muna nating malaman kung sino ang Cordero. Alam nating lahat na noong dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang gawain ng pagpapako sa krus, tinawag Siya na manunubos na Cordero, at ang Panginoong Jesus ay ang laman na isinusuot ng Espiritu ng Diyos at Anak ng tao, kaya't Siya ang Cordero. Gayunpaman, nang Siya ay muling nabuhay at naging isang espiritwal na katawan, hindi Siya maaring matawag na Cordero. Bukod dito, ang ipinopropesiya ng Pahayag ay nauugnay sa pagbabalik ng Panginoon. Samakatuwid, ang "Cordero" dito'y nagpapahiwatig na ang Panginoon ay magkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa Kanyang Pagbabalik. Sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay magkakatawang-tao bilang Anak ng tao para magpakita sa atin at tatawaging ang Cordero, tulad ng pagpapakita ng Panginoong Jesus para gumawa. Kung naririnig natin ang isang tao na nagpatotoo na ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang magsalita ng mga salita, sa gayon dapat tayong mabilis na maghanap at magsiyasat, at sa gayon lamang ay magkakaroon tayo ng pagkakataong makilala ang Panginoon at masundan ang mga yapak ng Cordero.

Kaibigan, alam nyo na ba? Ang Panginoon ay bumalik na sa katawang-tao at bumaba sa sangkatauhan. Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Tatlumpung taon na mula pa noong 1991, ang taong nagsimulang magsalita at gumawa ang Makapangyarihang Diyos. Ngayon, ang mga sangay ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag sa mga bansa at rehiyon sa buong mundo, at parami nang parami ang mga tao na naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon ay kinilala ang tinig ng Diyos, tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sinundan ang mga yapak ng Cordero.

________________________________

Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Sumnod: Nakita Ko Na ang Balumbong Nakabukas

Sinundan: Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar