Naranasan Ko ang Pagliligtas ng Diyos

22.07.2020

Cheng Hao Lungsod ng Yongzhou, Lalawigan ng Hunan

Ang tungkuling ginagampanan ng asawa ko at ako sa iglesia ay mangaral ng ebanghelyo. Kanina lamang, itinaas sa posisyon ang asawa ko sa pagiging tagapangasiwa ng pangkat pang-ebanghelyo, samantalang ako, dahil sa aking sariling kapalaluan at walang-pakundangang ugali, ay nawala sa gawain ng Banal na Espiritu at pinauwi upang magnilay sa aking mga ikinilos. Dahil ang asawa ko at ako ay nagsimulang gampanan ang aming mga tungkulin nang sabay, masakit tanggapin na makitang itinaas siya ng posisyon samantalang tinanggal ako sa aking mga tungkulin. Lumuha ang mga mata ko habang inisip kong: "Pinaghihiwalay ng Diyos ang bawat isa ayon sa kanyang uri at, dahil natanggal ako, tiyak na ako'y nahayag na at napaalis. O! Sino ang mag-iisip na pagkaraan ng maraming taong ito, ang buhay ko bilang isang mananampalataya ay magtatapos sa ganyang ganap na kabiguan. Ang magagawa ko na lamang ngayon ay maghintay sa aking kaparusahan." Kaya umuwi akong mabigat ang damdamin. Mula noon, nahulog ako sa pagkatalo at puno ng maling pagkaunawa at pagsisi sa Diyos. Walang pag-asang nalubog ako sa kadiliman.

Isang araw, natunghayan ko ang mga sumusunod na dalawang sipi ng mga salita ng Diyos nang di-sinasadya: "Hindi Ko kailanman sinabi na wala kayong kinabukasan, lalong hindi na kailangan kayong wasakin o magtiis ng walang-hanggang pagdurusa; hayagan Ko bang nailantad na ang gayong bagay? Sinasabi mo na ikaw ay walang pag-asa, ngunit ito ba ay hindi mo sariling palagay? Hindi ba ito ang epekto ng iyong sariling kaisipan? Ang iyo bang sariling kuro-kuro ay mahalaga?" ("Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Hindi mo nakikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at palaging mali ang pagkakaunawa mo sa Diyos at binabaluktot ang Kanyang mga intensyon, na nagsasanhi sa iyo na palaging maging negatibo ang pananaw sa buhay at mawalan ng pag-asa. Hindi ba ito pagpapahirap sa sarili? ... Hindi mo nauunawaan ang gawain ng Diyos at hindi mo nauunawaan ang Kanyang kalooban sa anumang paraan; mas higit pa, hindi mo nauunawaan ang mabuting mga intensyon na inilakip ng Diyos sa Kanyang 6,000 taon ng gawaing pamamahala" ("Ang Kalooban ng Diyos ay Iligtas ang Mga Tao Hangga't Maaari" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Habang binabasa ko ang mga siping ito, bigla kong natanto: 'Di ba't nagsasalita ang Diyos tungkol sa akin? Nang nalaman kong tinanggal ako ng iglesia, hinulaan at ipinalagay ko na nabunyag na at inalis ako at nawalan ng pananalig sa paghahanap ng katotohanan. Nabuhay ako sa habampanahong katayuang pagtanggi at di-pagkakaunawa, buong-pusong itinalaga sa aking sariling kabiguan. Sa panahong iyon, tumingin ako sa puso ko at nagtatanong: "Tunay mo bang nauunawaan kung bakit ka nakasumpong ng ganitong kasawiang-palad? Tunay mo bang nauunawaan ang kalooban ng Diyos? Talagang hindi! Hindi ko nauunawaan! Kung gayon, bakit ako gagawa ng mga padalus-dalos na palagay at walang-basehang paliwanag? Hindi ba't ito ay malaking kapalaluan, malaking kataksilan? Hindi ba't ako ang nagsadlak sa sarili ko sa ganitong lugar ng masidhing paghihirap? Gaano kahangal, gaano ako naging di-kapanipaniwala!" Kaya't, nanalangin ako sa harapan ng Diyos, humihingi ng Kanyang kaliwanagan upang maaaring mahayag sa akin ang Kanyang kalooban sa kamakailang pahayag na ito. Pagkaraan, nakita ko ang siping ito ng salita ng Diyos: "Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang totoong pag-ibig sa inyo; wala Siyang masamang intensiyon. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang suriin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginagawa upang hubugin ang tao. Mula simula hanggang katapusan, ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang buong makakaya upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang mawasak ang tao na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay higit pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalawak upang personal na akayin kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang intensiyon ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatotoong pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. ... Hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo-ito ay para lamang sa kaligtasan" ("Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).Ang mga taos-pusong salita ng Diyos ay nagpasigla sa puso ko at ginising ako mula sa manhid na kawalan ng pag-asa. Ang kinalabasan, kahit na ang kalagayan ko ay tila madilim sa unang tingin, ito ay ang talagang Diyos na dinadalaw ang Kanyang pagmamahal sa akin, at ipinagkakaloob sa akin ang Kanyang pagliligtas. Hindi ito, tulad ng inisip ko, na ako ay aalisin. Naging palalo ako at walang-pagbibigay-ginagampanan ang mga tungkulin ko nang walang-patumangga at walang pakundangan. Hindi lamang matitiis ng Diyos na makita akong patuloy na tinatapakan ni Satanas. Hindi Niya matitiis na makita akong lumubog pa at lalong hindi Niya matitiis na makita akong humarap sa kaparusahan dahil sa pagkakasala sa disposisyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawang walang-pakundangang kapalaluan. Kaya, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo, iniligtas Niya ako, pinagpapala ako ng Kanyang biyaya ng pagtubos at tinutulungan akong makatakas mula sa pagkagapos ng kasamaan ni Satanas. Ang pagtanggal ng iglesia ay tunay na pinakadakilang pagliligtas ng Diyos. Habang ako'y naging lalong palalo, lalo namang lumikha ang Diyos ng mga pagkakataon upang harapin ang aking mga kamalian. Hinayaan Niyang manatiling hindi magtagumpay ang aking mga pagnanasa upang ang aking manhid na puso ay magsisimulang makaramdam ng sakit. Kumilos Siya sa pamamagitan ng sakit na ito upang magnilay ako sa aking mga ginawa, maunawaan ang diwa ng aking masamang kalikasan at hanapin ang katotohanan upang makamit ang isang pagbabago sa aking disposisyon. Ito ang talagang tunay na gawain ng pagliligtas na ibinigay ng Diyos sa akin. Ang Kanyang tanging ginawa ay alagaan at mahalin ako. Kung hindi, ako sana'y mabubuhay pa nang walang malay sa pagkakasala, kumikilos pa rin nang walang pakundangan, nakakagambala at nakikialam sa gawain ng ebanghelyo. Sa huli, ang aking mga gawa ay makasasakit sa disposisyon ng Diyos at ako ay aalisin ng Diyos. Sa bahaging ito, nakita kong ang pagliligtas ng Diyos ay tunay na totoo. Walang anumang huwad o hungkag sa pagmamahal ng Diyos-tunay at totoo ito. Gayunpaman, nabigo akong makita ang gawain ng Diyos at ang Kanyang pagliligtas. Nabigo akong hanapin ang tapat na layon sa pagliligtas ng Diyos, sa halip ay binigyang-diin ang sarili ko sa lahat ng pagkakataon habang hindi inuunawa at pinupuna ang Diyos at nabubuhay sa walang pag-asang pagpapabaya. Gaano ako kawalang-katwiran! Hindi ako karapat-dapat tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

Mahal na Diyos, salamat! Sa pamamagitan ng karanasang ito, natatanto ko na ang Iyong pagliligtas ay tunay at ang Iyong paghatol at pagkastigo ay puno ng pagmamahal. Kung wala ang Iyong paghatol at pagkastigo, hindi ko kailanman titingnan nang matapat ang sarili ko. Magpapatuloy pa sana akong mabuhay sa kasamaan, mas lalo pang mamamanglaw, tinapakan ni Satanas at sa huli ay tuluyang nagtagumpay ito. Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko rin na ang Iyong diwa ay pagmamahal at lahat ng Iyong mga kilos ay naglalayong iligtas ang sangkatauhan. O Diyos, isinusumpa kong iuukol nang lubos ang aking sarili sa paghahanap ng katotohanan at magsisimulang muli. Anuman ang maging bunga, isinusumpa kong magampanan ang aking tungkuling pang-nilalang upang masiyahan ang Iyong kalooban.

________________________________

Ang totoong kahulugan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos! 

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar