Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Misteryo ng Pagdating ng Anak ng Tao sa Bibliya ay Inihayag
Sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan.Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Lahat ng propesiyang ito ay nagsasalita tungkol sa Anak ng tao o pagdating ng Anak ng tao. Kaya ano ang tinutukoy ng pagdating ng Anak ng tao? Sa anong paraan babalik ang Panginoong Jesus?
Ang katagang "ang Anak ng tao" ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya't ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na "ang Anak ng tao." Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na "ang Anak ng tao." Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na "ang Anak ng tao" at "Cristo" dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya't nang sinabi ng Panginoong Jesus na "ang Anak ng tao" at "dumarating ang Anak ng tao," tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, "kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito." patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan.
"Ang Misteryo ng Kabanalan" - Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao
_________________________________________________
Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.