Tanging sa Pamamagitan ng Taimtim na Pananalangin sa Bagong Pangalan ng Diyos sa mga Sakuna na Maaari Tayong Maprotektahan ng Diyos
Ngayon ang mga sakuna sa buong mundo ay mas nagiging malala. Maraming mga mananampalataya ang nag-iisip na kung mananalangin sila ng mas higit sa pangalan ng Panginoon, matatakasan nila ang mga sakuna. Ngunit nang makita nila na ang ilang mananampalataya sa Panginoon ang nawalan ng kanilang mga buhay sa mga sakuna, nalito sila: Nanalangin sila sa Panginoon ngunit bakit hindi nila natamo ang Kanyang proteksyon?
Alam nating lahat na ngayon na ang mga huling araw. Ang Panginoong Jesus ay pumarito ng lihim upang gumawa ng isang yugto ng bagong gawain, na may isang bagong pangalan. Tanging kapag tinanggap natin ang Panginoon at taimtim na manalangin sa Kanyang bagong pangalan na maaari nating matamo ang Kanyang proteksyon at pangangalaga. Kaya, ano ang bagong pangalan ng Diyos? Bakit pinalitan ng Diyos ang Kanyang pangalan? Anong mga misteryo ang nakapaloob sa pangalan ng Diyos?
Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng "Puting Ulap"
____________________________________
Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, ang panalangin ay isang kinakailangang paraan sa ating pang-araw-araw na buhay at ang pinaka direktang paraan para tayo ay mapalapit sa Panginoon. Gayunpaman, maraming beses na hindi natin maramdaman ang presensya ng Panginoon kapag nananalangin tayo sa Panginoon, kaya ano ang dapat nating gawin? Sa katunayan, hangga't kinakabisa natin ng mabuti ang mga prinsipyo ng panalangin, nagsasabi ng mabisang panalangin, kung gayon maaari tayong pakinggan ng Diyos.