Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2) | Sipi 38
Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2) | Sipi 38
Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa mga naniniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapaghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. Sa panahong iyon, si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na mahirap maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng marami na hindi naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya nagbigay ng paliwanag. Kaya, maraming taon pagkatapos Niyang umalis, nilikha ni Mateo ang Kanyang talaangkanan, at gumawa rin ang iba ng maraming gawain na naayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: dinadala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at tinatapos ang gawain ng pagpapapako sa krus-at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos nang naisakatuparan. Ngunit sa kasalukuyang yugto-ang gawain ng panlulupig-mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga hiwaga ng gawain nina Jesus at Jehova, nang sa gayon ay maaaring magkaroon ang lahat ng tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang gawain ng mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang katapusan ng gawain ng Diyos, ang panahon ng konklusyon ng gawaing ito. Liliwanagin para sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at ito'y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at diwa nitong anim na libong taong plano ng pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito'y hahayaan kang lubos na makaunawa. Magagawa mong maunawaan pareho ang gawain na ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi ginagawa ang huling gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang Kanyang mga salita ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas nang ganap. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming salita ang nanatiling hindi nahayag, o hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng lahat ng gawain sa isang konklusyon. Kung hindi binibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay naihahatid sa isang katapusan at natapos sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng maraming gawain na hindi naunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, hindi alam nagkakamali sila. Sa huli, ang kasalukuyang yugtong ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw ukol sa mga Gentil, at ang kanyang iba pang mga paglihis at mga kamalian ay itatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay matatapos na. Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, kung gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba't ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang mga pagkaintindi ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama't ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging isang modelo at halimbawa at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba't ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging-mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan-ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang katayuan, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kung maisasakatuparan ang hakbang ng gawain na ito, kung gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang hakbang ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay darating sa isang ganap na katapusan.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
________________________________
Ang ebanghelyo ngayong araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.
Sumnod: Tanong 3: Sabi sa Biblia, "Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.