"Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos" | Sipi 5

29.10.2020

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka't noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang "pamamahala sa sangkatauhan" ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain-ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni't walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos-kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

Kung ang tao ay tumutuon lamang sa pagsasagawa, at nakikita ang gawain ng Diyos at kaalaman ng tao bilang pangalawa lamang, kung gayon hindi ba ito tulad ng pagiging matipid sa maliit na gastusin at maluho sa malaking paggasta? Yaong dapat mong malaman, ay dapat mong alamin, at yaong dapat mong maisagawa, ay dapat mong isagawa. Sa gayong paraan ka lamang magiging taong nakakaalam kung paano habulin ang katotohanan. Pagdating ng araw na palalaganapin mo ang ebanghelyo, kung ang kaya mo lamang sabihin ay na ang Diyos ay isang dakila at matuwid na Diyos, na Siya ay ang kataas-taasang Diyos, isang Diyos na hindi kayang tumbasan ng sinumang dakilang tao, at Siya na walang sinuman ang mas nakatataas pa..., kung ang kaya mo lamang sabihin ay ang mga walang-saysay at mabababaw na salitang ito, at lubos na walang kakayanang sabihin ang mga salitang pinakamahalaga, at na may diwa, kung wala kang masabi tungkol sa pagkakilala sa Diyos, o sa gawain ng Diyos, at, bukod dito, walang kakayanang ipaliwanag ang katotohanan, o magbigay ng kung ano ang kakulangan sa tao, kung gayon ang isang tulad mo ay walang kakayanang gampanan ang kanilang tungkulin nang may kaayusan. Ang pagtataglay ng patotoo sa Diyos at ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay hindi isang payak na bagay. Dapat ka munang masangkapan ng katotohanan, at ng mga pangitain na dapat maunawaan. Kapag ikaw ay malinaw tungkol sa mga pangitain at katotohanan ng iba't ibang mga aspeto ng gawain ng Diyos, sa iyong puso ay dumarating ka sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, at kahit na ano pa ang ginagawa ng Diyos-maging ito man ay matuwid na paghatol o pagpipino ng tao-taglay mo ang pinakadakilang pangitain bilang iyong pundasyon, at taglay ang tamang katotohanan na isasagawa, kung gayon kakayanin mong sundin ang Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Dapat mong malaman na kahit ano ang gawain na Kanyang ginagawa, ang layunin ng gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, ang puso ng Kanyang gawain ay hindi nagbabago, at ang Kanyang nais para sa tao ay hindi nagbabago. Kahit gaano kabagsik ang Kanyang mga salita, kahit gaano kasalungat ang kapaligiran, ang mga panuntunan ng Kanyang gawain ay hindi magbabago, at ang Kanyang pakay na pagliligtas sa tao ay hindi magbabago. Kung hindi ito ang pagbubunyag ng katapusan ng tao o ng hantungan ng tao, at hindi ang gawain ng huling yugto, o ang gawain ng pagdadala ng buong plano ng pamamahala ng Diyos sa katapusan, at kung ito'y sa panahong gumagawa Siya sa tao, kung gayon ang puso ng Kanyang gawain ay hindi magbabago: Ito ay laging magiging ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ito ang nararapat na pundasyon ng inyong paniniwala sa Diyos. Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan-na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa't isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa't isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Sa sandaling alam mo na ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawaing ito, kung gayon malalaman mo kung paano pahalagahan ang kabuluhan ng bawa't yugto ng gawain, at malalaman mo kung paano kumilos sa paraang magbibigay-kasiyahan sa naisin ng Diyos. Kung mararating mo ang puntong ito, kung gayon ito, ang pinakadakila sa lahat ng mga pangitain, ang magiging saligan mo. Huwag mo lang dapat hanapin ang madadaling paraan ng pagsasagawa, o malalalim na katotohanan, ngunit dapat isama ang mga pangitain sa pagsasagawa, upang magkaroon kapwa ng mga katotohanang maaaring maisagawa, at kaalamang batay sa mga pangitain. Sa gayon ka lamang magiging isang taong lubos na naghahabol sa katotohanan.

Mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

________________________________

Paano kung mahina ang iyong espiritu at malamig ang iyong pananampalataya? Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay tutulong sa iyo upang maghanap ng paraan. 


Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar