Awit ng papuri | Panahon
I
Isang malungkot na kaluluwa ang naglakbay mula sa malayo,
sinusuri ang bukas, hinahanap ang lumipas,
masipag na gumagawa, at naghahangad ng isang pangarap.
Hindi alam kung saan nagmumula o pumupunta,
isinilang sa luha at naglalaho sa pighati.
Kahit tinatapak-tapakan, ito ay kumakapit pa rin.
Pagdating Mo'y tinatapos inaanod na hirap na buhay.
Nakakita ako ng pag-asa,
at sinasalubong nagbubukang-liwayway.
Tumingin ako sa malabong distansya,
Nasulyapan ko ang Iyong hugis.
Iyon ang ningning, ang ningning ng Iyong mukha.
II
Kahapon, napadpad sa banyagang lupa,
nguni't ngayon natagpuan ko na
ang aking daan pauwi sa bahay.
Tadtad ng mga sugat, hindi tulad ng tao,
Itinatangis ko na ang buhay ay isang panaginip.
Ang iyong pagdating
ay tumatapos sa namimighating inaanod na buhay.
Hindi na naliligaw. Hindi na pagala-gala.
Ngayon ay nasa loob na ako ng aking bahay.
Ngayon nakikita ko na ang iyong puting damit.
Iyon ang ningning, ang ningning ng Iyong mukha.
III
Maraming mga siklo ng muling pagsilang,
kayraming mga taon ng paghihintay,
ngayon ay dumating na ang Makapangyarihan.
Daa'y nasumpungan ng kaluluwang malumbay, at di na malungkot.
Isang panaginip ng isang libong taon.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Makinig sa mga Tagalog Christian Songs upang makahanap ng paraan kung paano tayo mananalangin sa Diyos upang pakinggan ng Diyos. Lumapit tayo sa Diyos!
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.