Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Kapangyarihan ng Buhay ng Diyos

07.01.2021

Ni Lin Ling, Lalawigan ng Shandong

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya mula sa lalawigan, at dahil ang aming pamilya ay walang kapangyarihan o mataas na katayuan, hinamak ako ng iba mula murang edad pa lang, at madalas akong inaapi. Tuwing nangyayari ito, nakadama ako ng labis na pagkahiya at pagkamiserable, at inasam ko ang araw na isang tagapagligtas ang darating upang baguhin ang aking kapalaran. Pagkatapos kong magpakasal, dahil mahirap ang buhay, at madalas may sakit ang aking anak, kinausap ako ng aking mga kapitbahay tungkol sa pananalig kay Jesus, at nang malaman ko na maililigtas ng Panginoong Jesus ang mga naghihirap mula sa kanilang pagdurusa at mga alalahanin, ako ay lubhang naantig. Naramdaman kong sa wakas ay natagpuan ko na ang aking Tagapagligtas, kaya't mula noon nanalig ako kay Jesus, at masigasig na dumalo sa mga pagpupulong at nakinig sa mga sermon kung saan-saan ako puwedeng makadalo. Pero sa bandang huli, napagtanto ko na ang mga iglesia ay mas nakakapagpadesperado pa, at ang inggitan, di pagkakasundo at ang pagbabalak nang masama sa pagitan ng mga mananampalataya ay lalong sumisidhio. Wala itong pinag-iba sa lipunan sa kabuuan. Hindi ko maiwasang labis na makadama ng kabiguan, ang pananampalatayang nadama ko sa pasimula ay unti-unting naglaho, at hindi na ako dumalo sa mga pagtitipon.

Noong taong 2000, isang kapatid na babae ang nangaral sa akin ng mabuting balita ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos, Nang natutunan ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi mailarawan ng mga salita ang naramdaman kong kagalakan sa aking puso. Araw-araw, tuwing may oras ako, hawak ko ang salita ng Diyos sa aking kamay at binabasa ito na parang isang tao na gutom na gutom na kumakain. Ang kataimtiman ng mga salita ng Diyos ay nagpasiga at pumanatag sa akin. Naramdaman ko ang pagkalinga, awa, at kaligtasan ng Tagapagligtas para sa akin, at ang aking uhaw na espiritu ay nakamit ang pagdidilig at probisyon. Pagkatapos niyon, ako ay namuhay kasama ng malaking pamilya ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan dumalo ako sa mga pagtitipon at ginampanan ang aking mga tungkulin kasama ng aking mga kapatid na lalaki at babae. Lahat kami ay sinikap na itaguyod ang katotohanan sa gitna ng pagdidilig at pagtustos ng salita ng Makapangyarihang Diyos, mayroong pagmamahalan sa pagitan ng aking mga kapatid na lalaki at babae, at tinulungan naming lahat ang isa't isa. Walang pagbabalak nang masama, panlilinlang, o paghamak ng karukhaan at pag-ibig sa kayamanan, at lalong higit ang pang-aabuso o paniniil. Sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, tunay na natamasa ko ang isang kaligayahan at kagalakan na hindi ko kailanman naranasan dati. Gayunman, dahil nanalig ako sa Makapangyarihang Diyos, inaresto ako at malupit na pinahirapan ng pamahalaang CCP, at pagkatapos ay ikinulong sa loob ng isang taon. Sa madilim na lunggang iyon ng demonyo, ang salita ng Makapangyarihang Diyos ang siyang nagbigay sa akin ng pananampalataya at kalakasan, at siyang unti-unting pumatnubay sa akin na mapagtagumpayan si Satanas at mangibabaw sa mga hadlang ng kamatayan.

Noong gabi ng Agosto 24, 2009, katutulog ko pa lamang, nang bigla akong akong ginising ng galit na galit na pagkalampag sa pintuan. Bago pa ako nakatugon, 7-8 pulis ay winasak ang pintuan at pumasok sa silid. Kara-karaka pagpasok nila, sumigaw sila, "Huwag kang gagalaw! Bumangon ka at sumama sa amin!" Bago pa man ako makapagbihis, narinig ko ang pag-klik ng kamera habang kinunan ako ng litrato. Pagkatapos ginulo ng kapulisan ang bahay habang hinalughog nila ito, walang pinalampas kahit isang pirasong papel. Hindi nagtagal, gulong-gulo ang bahay, na para bang nahalughog ng mga tulisan. Ang lahat ay nasa sahig, walang malakaran. Pagkatapos, tatlong pulis ang puwersahang dinala ako sa isang van na naghihintay sa labas.

Matapos dalhin ako sa himpilan ng pulis, pinuwersa nila akong tumayo nang paharap sa isang pader. pinagtatanong ako ng isang opisyal ng pulis sa mabagsik na boses, sinasabing, "Sabihin mo sa amin ang katotohanan tungkol sa iyong pananalig sa Makapangyarihang Diyos! Ano ang iyong tungkulin sa iglesia? Sino ang iyong pinuno? Nasaan siya? Sabihin mo sa amin ang lahat!" Sinabi ko nang walang takot, "Wala akong alam!" Kagya't ang kanilang pagkadismaya ay nauwi sa pagkapoot. Pinagsisipa nila ako habang ininsulto nila ako nang pasigaw at buong-bangis na pinagbantaan ako, "Kung sasabihin mo sa amin, palalayain ka namin, pero kung hindi, bubugbugin ka namin hanggang mamatay ka!" Nang nagsalita sila, isinalya nila ako sa isang upuang bakal na may malaking rehas na pampigil, na saka nila ikinandado. Pagkakita kung paano ako inaresto nitong masasamang pulis na may gayong pagpapakita ng puwersa, gayundin ang mga kakila-kilabot na ekspresyon at mga galit na titig na nakatuon sa akin, at kung paano nila ako itinuring, isang walang kalaban-labang babae, na para bang nakagawa ako ng isang malagim na krimen, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng taranta at takot. Naisip ko, "Paano nila binabalak na pahirapan ako? Kung talaga ngang pahihirapan o bubugbugin nila ako, ano ang gagawin ko?" Hind ko maiwasang hindi manalangin nang nagkukumahog sa Diyos sa aking puso, "Makapangyarihang Diyos! Ang aking katayuan ay totoong napakaliit, at, napapaligiran ng mga puwersa ng kasamaan ni Satanas, natakot na ako. Nagsusumamo ako sa Iyo na pagkalooban ako ng pananalig at kalakasan. Ipagtanggol ako, upang hindi ako yumuko kay Satanas at sa mga demonyong ito, at upang makatayo akong matatag at makapagpatotoo para sa Iyo!" Dito ko nagunita ang mga salita ng Diyos, "Dapat mong malaman na lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan mo nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang" ("Kabanata 26" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Oo, lahat na nangyayari sa akin sa araw na iyon ay mayroong pahintulot ng trono ng Diyos, kaya bagaman nabitag ako sa isang lungga ng demonyo at naharap sa isang kawan ng mababalasik, malademonyong halimaw, hindi ako nag-iisang lumalaban; kasama ko ang Makapangyarihang Diyos. Maaasahan ko Siya, Siya ang aking matatag na suporta, kaya ano ang katatakutan ko? Iniisip ang mga bagay na ito, hindi na ako naduwag o natakot, nagkaroon ako ng lakas na labanan si Satanas hanggang wakas, at sumumpa ako na ako ay tatayong matatag at magpatotoo para sa Diyos kahit na mapahamak ang aking buhay!

Pagkatapos niyon, sinimulang sikapin ng pulisya na sapilitan akong paaminin sa pamamagitan ng pagpapahirap. Kinaumagaha ng unang araw, pinosasan nila ako, at nang dinala ako ng pulisya para sa isang pagsuri ng dugo, puwersahang hinaltak nila ako kaya nahiwa ang laman ko ng matatalim na dulo ng mga posas. Hindi nagtagal, ang balat sa aking pulso ay nabutas, at ang kirot ay masakit at matindi. Pagkatapos niyon, ipinosas nila ako sa isang radiator, at dahil nangangamba na makakatakas ako, hinigpitan nila nang sobra ang mga posas kaya nakiskis ang aking mga pulso at dumugo nang husto. Ang masasamang opisyal na pulis na ito ay tinanong ako nang paulit-ulit, walang saysay na tinatangkang puwersahin akong magsiwalat ng impormasyon tungkol sa iglesia, subalit dahil tuwina ay sinasabi kong wala akong alam, nagagalit sila at hindi na makapagtimpi. Isa sa kanila ang galit na galit na sinugod ako at sinampal nang matindi sa mukha. Kaagad akong nakakita ng mga bituin, muntik na akong nahimatay, umalog ang mga ngipin ko sa aking gilagid, at di-sinasadyang dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata. Nang makita ng opisyal ng pulis na lumuluha ako ngunit tumututol pa ring magsalita, napangiwi siya sa matinding galit, walang-awang sinunggaban ang ilang hibla ng aking buhok sa aking noo at ipinulupot ang mga ito sa kanyang kamay, at saka malakas na ihinampas ang likod ng aking ulo sa pader. Dahil sa matinding hampas na ito ay nahilo at humiging ang aking mga tainga. Hindi pa rin napawi ang kanyang matinding galit, sinampal niya ako nang ilang beses na magkakasunod at galit na galit na sumigaw, "Paiiyakin kita! Ito ang mapapala mo sa hindi pagsasalita!" Habang nagsasalita, buong-lupit na ipinadyak niya ang kanyang sapatos sa aking paa. Pagkatapos pasailalim sa mararahas na pagbugbog at pagpapahirap ng mga demonyong ito, namimilipit ako sa sakit at latang-lata ang buong katawan. Nakahiga ako sa sahig, hindi gumagalaw, na parang mamamatay na. Pagkakita sa aking kundisyon, ang mga pulis ay nagmumura at lumayas, ibinalibag ang pintuan sa kanilang paglabas. Kinahapunan binubog at pinahirapan nila akong muli nang mas malupit at matindi kaysa rati habang sinisikap nilang puwersahin akong magsiwalat ng impormasyon ng iglesia. Pagkatapos ng paulit-ulit na pagpapahirap na ito, naramdaman ko ang pagkahilo at pagsusuka, at napakasakit ng aking katawan na pakiramdam ko ay magkakalasog-lasog itos. Naramdaman ko na parang mamamatay na ako anumang sandali. Ngunit hindi pa rin tinigilan nga masasamang pulis na ito ang kanilang pagtatanong kahit katiting. Taglay ang labis na kahayupan, gumamit sila ng pansindi upang sindihan ang aking mga paa, na kagyat nagdulot ng dalawang malalaking paltos. Napakasakit nito hindi ko mapigil ang sarili ko na umiyak. Dinaranas ang kirot, naupo ako sa sahig at tiningnan ang masasamang pulis na ito, bawat isa sa kanila ay nanlilisik ang mga mata sa akin na may makahayop na poot tulad ng mga demonyo sa kailaliman na walang ibang nasa kundi durugin ako, at hindi ko maiwasang hindi manghina. Tahimik akong dumaing sa Diyos, "Makapangyarihang Diyos, kailan titigil ang masasamang pulis na ito sa pagpapahirap sa akin? Talagang hindi ko na kaya...." Naramdaman kong hinang-hina ako na handa na akong bumagsak, at hindi ko maiwasang hindi mag-isip, "Ano kaya kung magsabi ako sa kanila kahit isang bagay lang? Sa gayon hindi na ako kailangang magdusa...." Ngunit gayunpaman kaagad kong naisip, "Kung magsasalita ako kahit isang bagay, ako ay isang Judas, na ibig sabihin ay ipinagkakanulo ko ang Diyos." Isang mapait na paghahamok ang nag-aalab sa aking puso, at noon ko nagunita ang mga salita ng Diyos, "Dapat ninyong gawin yaong nakakalugod sa lahat, na nagdadala ng benepisyo sa lahat ng tao, at yaong may pakinabang sa sarili mong hantungan, kung hindi ang magdurusa sa gitna ng kapahamakan ay walang iba kundi ikaw" ("Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka't ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposisyon Ko, sinuman ang taong iyan" ("Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay naging isang biglang pagragasa ng kabatiran. Hindi ko maiwasan na hindi mabigla sa aking naunang kaisipan. Nagbulay-bulay ako, "Ang pang-uusig ni Satanas ay nangyari na sa akin ngayon, at sa halip na isipin kung paano umasa sa Diyos upang mapagtagumpayan ang demonyong ito at tumayong matatag at magpatotoo para sa Kanya, ako sa halip ay nababahala para sa sarili kong laman. Hindi ba nito ginagawa akong makasarili at kasuklam-suklam? Ang Diyos ay matuwid at banal, at kung ipinagbili ko ang aking mga kapatid na lalaki at babae at maging isang kalunos-lunos na Judas, hindi ba ako magkakasala sa disposisyon ng Diyos, at sa gayon ipinahahamak ang sarili? Ang kalooban ng Diyos sa pagpapahintulot sa masasamang pulis na itona pahirapan ako ngayon ay para hayaan akong makita nang malinaw ang malademonyong pinakadiwa ng pamahalaan ng CCP sa walang-taros na pagtutol sa Diyos at paggawa sa Diyos na isang kaaway, upang mas kaya kong ituon ang puso ko sa Diyos, mapanatili ang katapatan ko sa Diyos, at tumayong matatag at magpatotoo para sa Diyos." Nahinuha ko na, nadama ko ang pagsisisi at pagkakasala sa aking pagsuway. Ninais kong magsisi sa Diyos. Gaano man ako saktan at pahirapan ng pulisya, tatanggihan kong mabuyo ng aking laman. Gusto ko lamang sundin ang mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos, batahin lahat ng pagdurusa, at tumayong matatag at magpatotoo para sa Diyos upang patunayan ang aking katapatan sa Kanya sa pamamagitan ng aking mga pagkilos. Kahit mamatay pa ako, hindi ako magiging Judas at ipagkakanulo ang Diyos! Hangga't mayroon akong natitirang hininga, hindi ako susuko at padadaig kay Satanas! Nang gabing iyon, ang masasamang pulis na ito ay inutusan akong maupo sa sahig na nakaunat ang mga binti, at pagkatapos puwersahang itinaas ang aking mga braso, ipinosas sa likod ko, paitaas, at kaagad kong naramdaman ang isang matinding kirot sa aking mga braso at sa aking dati ng sugatang mga pulso. Ang pulisya, na nagwawala sa galit, ay naglagay ng bentilador sa itaas at itinutok ito sa akin, umiihip ng daloy ng napakalamig na hangin sa aking katawan. Nanlalamig akong walang lubay na nangangatog, at ang mga ngipin ko ay kumalansing sa aking bibig. Kasalukuyan akong nireregla noon, at sa halip na payagan akong magpalit ng pasador, itong masasamang pulis ay iginiit na "patuyin" ko ito sa aking pantalon. Sa kabila niyon, , hindi pa rin tumgil ang masasamang pulis na ito. Nagdala sila ng maliit na sanga ng isang malambot na punong-kahoy at pinalo ako nito kung saan-saan, bawat hagupit ay nagiiwan ng isang madugong bakas. Napakasakit nito na sinikap kong mag-alumpihit palayo, subalit nang makita nilang iniilagan ko ang mga hampas, mas binugbog pa ako nang mas malupit ng pulisya, nagsasabi habang ginagawa ito, "Tingnan natin kung magsasalita ka na ngayon! Iiwan kitang isang lumpong desperado ngayong gabi!" Ang kalupitan at kabangisan ng masasamang pulis na ito ay karumal-dumal, subalit salamat sa paggabay at proteksiyon ng Diyos, hindi ako nagpasailalim sa kanila, at wala silang nakamit mula sa mga pagtatanong na iyon.

Sa loob ng ilang araw ng brutal na pagtatanong, isang opisyal mula sa National Security Brigade ang patuloy na nagkukunwaring "mabuting pulis", umaasa na sa malulumanay na taktika ay makukumbinsi akong ipagkanulo ang iglesia. Taglay angmalambing at magiliw na anyo, binigyan niya ako ng tubig, dinalhan ako ng mansanas, at nagkukunwaring mabait na sinabing, "Nakakalungkot na magdusang tulad nito sa napakamurang edad. Sabihin mo lang sa amin kung ano ang gusto naming malaman, at ito ay maaring mahinto, Makauuwi ka na. Ang asawa at anak mo ay nananabik na makita ka!" Dati ay inaakala ko na mukha siyang mabait, ngunit mas malupit at masama siya kaysa sinuman sa kanila. Nang nakita niya na hindi ko sasabihin sa kanya, ang kanyang anyo ay napalitan ngkabangisan, ganap na ibinubunyag ang likas niyang kahayupan, at sinimulan niya akong pahirapan nang higit pang kalupitan at kawalang-habag. Dinala niya ako sa pangunahing bulwagan ng himpilan ng pulisya, kung saan pinuwersa niya akong maupo sa isang sulok sa loob ng dalawang oras sa napakalamig na hangin, at pagkatapos nang siya ay bumalik at pasigaw na tinawag ako, inakala niya na hindi ako nakasagot nang may sapat na lakas, kaya pinuwersa niya akong iunat ang aking mga binti, at pagkatapos ay walang-awang tinadyakan ang aking mga tuhod, saka marahas na binuhat ang aking mga kamay na nakaposas sa likod ko. Narinig ko ang lagutok mula sa aking pulso, saka ko naramdaman ang kirot na nakabibiyak ng puso at napasigaw, pagkatapos noon ay nawalan ng pakiramdam ang aking baywang. Hinding-hindi ko inakala na ang aking sigaw ay maaaring magpagalit sa demonyong ito. Galit na galit niyang hiniyawan ang isa sa kanyang mga alipores, "Kumuha ng basahan at isalpak ito sa kanyang bibig para hindi na siya sumigaw uli!" Nagdala sila ng mabaho at maruming basahan at isinalpak ito sa aking bibig, kaya halos masuka ako. Sinigawan niya ako, "Tanganan mo iyan ng iyong mga ngipin! Huwag kang mangangahas na ilaglag ang basahan!" habang patuloy niyang isinasalpak sa aking bibig. Sa harap ngng mga buktot na hayop na ito, walang laman ang puso ko kundi mapait na pagkamuhi. Kinamuhian ko sila nang matindi na wala na akong iluha pa. Kasunod, nagpatuloy sa pagtatanong sa akin ang demonyong opisyal na ito, at nang nakita niya na hindi pa rin ako magsasalita sa kanya, muli niyang diniinan ang aking mga binti habang binubuhat ang aking nakaposas na mga braso. Napakasakit nito kaya pinawisan ako nang malamig, at di-napigilang sumigaw muli. Nang nakita niyang hindi pa rin ako magsasalita, sinabi niya sa kanyang mga alipores, "Ilabas na siya!" Dalawamg masasamang pulis ang bumuhat sa akin mula sa lapag. Subalit sa puntong ito hindi na makatayong diretso ang baywang ko. Kinailangan kong lumakad nang mabagal, nakabaluktot ang likod, paisa-isang hakbang. Sa matinding kirot, ang panghihina, kawalang pag-asa, at kawalang-laban ay muling umukilkil sa isip ko. Hindi ko na alam kung gaano pa katagal akong mangunguyapit, kaya't tuwi-tuwina ay nananalangin ako sa Diyos sa aking puso, tinatawagan ang pagprotekta ng Makapangyarihang Diyos, upang kahit kailangang mamatay ako, hindi ko Siya maipagkakanulo.

Pagkatapos niyon, nakita ko na naunawaan ng Makapangyarihang Diyos ang aking kahinaan sa bawat paraan, at naging maawain at pinrotektahan ako nang lihim sa buong panahon. Nang muli akong puntahan ng masasamang pulis na ito para tanungin ako, pinagbantaan nila ako, "Kung hindi ka magsasalita, dadalhin ka namin sa ibang lugar at ilalagay sa isang silya elektrika. Kapag pinaandar namin ang kuryente, hihimatayin ka, at hindi ka man mamatay, malulumpo ka!" Nang narinig ko ang mga salita ng masasamang opisyal, hindi ko maiwasang hindi matakot. Naisip ko na talagang hindi ko matatagalan ang gayong di-makataong pagtrato, kayat agarang nanalangin sa Diyos, at sa sandaling iyon, nagunita ko ang mga salita ng Diyos, "Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging magaan, at walang makagagapi sa kanila. Anong maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay?" ("Kabanata 36" ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Oo, ang buhay ko ay nasa kamay ng Diyos. Kontrolado at pinamumunuan ito ng Diyos, at mabuhay man ako o mamatay ay hindi nakasalalay sa pulisya. Kung talagang itataya ko ang aking buhay, mapagtatagumpayan ko si Satanas. Sa sandaling iyon, napuspos ako ng pananampalataya, at handang itaya ang aking buhay, ilagak ito sa mga kamay ng Diyos, at sundin ang mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos. Hindi ko sukat akalain, na tamang-tama naman ay maririnig ko ang isa sa masasamang pulis na ito ay nagsasabi na nasira ang silya elektrik, at ang kuryente ay hindi mapatakbo. Sa sandaling iyon, taimtim kong nadama na kasama ko ang Makapangyarihang Diyos sa bawat sandali. Bagaman ako ay nasa lungga ng mga demonyo, nanatili ang Diyos sa aking tabi. Hinayaan Niyang maranasan ko ang pagdurusa, ngunit hindi Niya hinayaan ang mga malasatanas na demonyong ito na kitlin ang aking buhay. Nagpasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa Kanyang mahimalang proteksiyon, at sa pagtutulot na ako ay makatakas! Naging mas matatag ang aking pananampalataya, at naging handa akong magbata ng anumang pasakit upang manatiling matatag at magpatotoo para sa Diyos. Ang nahihibang na masasamang pulis na ito ay pinahirapan at pinagtatanong ako sa loob ng anim na araw at limang gabi, hindi ako pinayagang kumain, uminom ng tubig, o matulog. Itinulot nito na makita ko nang malinaw na ang pamahalaang CCP ay walang iba kundi isang grupo ng mga masasamang-loob at miyembro ng sindikato. Ang mapasakamay nila ay nangangahulugang mapasakamay ng malulupit at mararahas na demonyo, at kung walang pangangalaga at proteksiyon ng Diyos, maaaring pahirapan nila ako hanggang mamatay. Bagaman hindi ako hinayaang kumain, uminom, o matulog nang ilang araw, at pinahirapan din sa lahat ng paraan ng masasamang pulis na ito, kailanma'y hindi ko nadama ang uhaw, gutom at pagod. Ang mga opisyal ng National Security Brigade ay nagsabing hindi pa sila kailanman nakakita ng isang napakabata na tumagal sa napakaraming araw. Taimtim kong naunawaan na ito ang napakalawak na kapangyarihan ng buhay ng Makapangyarihang Diyos na sumusuporta sa sinusuportahan ang aking laman at dugo, nagbibigay-buhay, at nagkakaloob sa akin ng lakas na magpunyagi hanggang wakas. Tulad ng s sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios" (Mateo 4:4). Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, "Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katotohanan na walang makakaisip o makakaunawa, at ang mga katotohanang hindi maunawaan ang siya mismong pagpapakita, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos" ("Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkatapos niyon, nang nakita ng pulisya na hindi tumatalab ang matitinding taktika, nagdesisyon sila na subukan ang mga banayad na taktika. Ang hepe mismo ng National Security Brigade ang dumating para pagtatanungin ako. Maingat niyang inalis ang aking mga posas para makuha ang loob at tiwala ko, , inanyayahan akong maupo at sinabi sa isang "magiliw" na tinig, "Napakahangal mo. Hindi ka naman isang uri ng opisyal o awtoridad sa iglesia. Ipinagkanulo ka nila, at narito kang nakikipaglaban alang-alang sa kanilang kapakanan. Sulit nga ba talaga ito? Gayundin, kung nananalig ka sa Makapangyarihang Diyos, sa hinaharap ang iyong anak ay malilimitahan sa pagsusulit sa unibersidad, pagsali sa hukbo, o pagiging isang kawani ng pamahalaan. At ang asawa mo ay binabale-wala ka. Maaaring nakatagpo na siya ng iba at iniwan ka na.... Sa katunayan, alam na namin ang lahat tungkol sa situwasyon mo. Kahit wala kang sabihing anuman sa amin, maaari ka pa rin naming paratangan ng krimen dahil ganoon din iyon, sapagka't ito ang bansang CCP. Kami ang nagdedesisyon kung ano ang nangyayari. Kami rin ang nagdedesisyon gaano karaming araw kang ibibilanggo. Kahit mamatay ka rito, walang mangyayari sa amin, kaya't mabuti pang umamin ka na! Ang Tsina ay kaiba sa ibang mga bansa. Kahit wala kang sabihin sa amin, maaari ka pa rin naming paratangan ng isang krimen at sentensyahan ka." Nang mapakinggan ko ang lahat ng iba't ibang paraang sinubukan niya para tuksuhin ako ng kabaitan, bumilis ang pintig ng puso ko, at lalo na akong naging miserable. Hindi ko alam ang gagawin, kaya nanawagan ako nang buong puso, "Makapangyarihang Diyos! Nalalaman Mo na ang aking katayuan ay napakahina at napakalaki nang aking pagkukulang. Hindi ko alam kung paano danasin o harapin ang ganitong mga situwasyon. Nagsusumamo ako ng patnubay Mo." Diyan nagsimulang nakatagpo akong muli ng direksiyon sa mga salita ng Diyos: "Sa lahat ng oras, ang Aking bayan ay dapat na nakabantay laban sa mga tusong pakana ni Satanas ... na pipigil sa inyo sa pagkahulog sa bitag ni Satanas, kung kailan magiging napakahuli na para sa mga pagsisisi" ("Kabanata 3" ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit alin sa mga pwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang lumakad sa perpektong daan; huwag mong hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari" ("Kabanata 10" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinagliwanag ng mga salita ng Diyos ang aking puso, at natagpuan ko ang landas ng pagsasagawa. Naisip ko sa aking sarili, "Siyempre! Ito si Satanas na gumagamit ng mga pangawit ng emosyon upang iligaw at linlangin ako. Dapat nababanaag ko ang mga lalang nito, talunin ito ng karunungan, at hindi hayaan ang sarili ko na maloko. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa mga kamay ng Diyos. Kahit na mabilanggo ako nang matagal hanggang sa ang mga rehas ay kalawangin, hinding-hindi ako dapat pasailalim kay Satanas at ipagkanulo ang Diyos!" Ngayon, mas higit na malinaw na sa akin ang dapat kong gawin. Sa harap ng kanyang mga pagbubunsod at panunukso, nagsawalang-kibo ako, nanalangin, at pinayapa ang aking puso sa presensya ng Diyos. Saka, galit kong sinabi sa kanya, "Idedemanda kita! Hindi mo lang sinubukang pahirapan ako upang umamin, pinaratangan mo ako nang may kabulaanan sa isang krimen!" May pagbabanta at bahagyang natatawa na sinabi niya sa akin, "Bueno, hindi kita sinaktan. Sige, magdemanda ka. Ito ang bansa ng CCP. Walang magsasalita para sa iyo." Dahil sa kanyang mga salita lalong nasagad hanggang buto ang pagkamuhi ko sa masamang pamahalaan ng CCP. At ang matandang diyablong ito ay talagang walang pakundangan sa batas o moralidad. Pagkatapos niyon, inilabas niya ang isang malaking bunton ng mga ID card ng aking mga kapatid na lalaki at babae sa iglesiapara ipatukoy sa akin, tinatanong ako kung kilala ko sila at nagmamagaling na umaasang ipagkakanulo ko sila. Sumagot ako na puno ng kapaitan, "Hindi ko kilala kahit isa sa kanila!" Nang marinig niya ito, namula sa galit ang kanyang mukha. Nakita niya na talagang wala akong sasabihin sa kanya kahit ano, at galit siyang umalis. Kinahapunan, dinala nila ako sa bahay-kulungan, at marahas na pinagbantaan ako, sinasabing, "Sa bahay-kulungan patitingkayadin ka namin sa tubig at pagbabalatin ng bawang, at makalipas ang ilang gayong araw, mabubulok ang mga kamay mo!" Nangutya at tumawa silang may kayabangan habang nagsasalita, at sa kanilang malahayop na pagmumukha, nakita ko ang malademonyong mukha ni Satanas, malupit at marahas!

Pagkatapos makulong sa loob ng isang buwan sa bahay-kulungan, nagpahayag ang pulisya na kung magbabayad ako ng 20,000 yuan, makauuwi na ako. Sinabi kong wala ako nito, at para bang nakikipagtawaran, sinabi nilang 10,000 ay puwede na rin. Nang sinabi kong wala ako kahit isang kusing, ang kanilang pagkayamot ay nauwi sa galit, at sinabi nilang may pangungutya, "Kung wala kang pera, muling pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapagal ang para sa iyo! Paglabas mo, ni hindi ka na gugustuhin ng asawa mo!" Walang takot kong sinabi, "Mabuti kung gayon, wala akong pakialam!" At dahil dito, hindi sila nagdalawang-isip na kasuhan ako ng mga krimeng "paggambala sa kaayusan ng lipunan" at "paghadlang sa pagpapatupad ng batas" at sinentensyahan ng isang taon ng muling pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapagal. Mas malinaw pang ipinakita nito na ang pamahalaang CCP ay isang malasatanikong diyablo na walang pagpapahalaga para sa mga buhay ng tao na ginawang isang kaaway ang Diyos! Sa impiyernong ito sa daigdig na pinaghaharian ng mga demonyo, kung saan ang Diyos ay itinuturing bilang isang mortal na kaaway, ang partidong nasa kapangyarihan ay binathalang utos at batas, at lahat ng sakop ng kapangyarihan nito ay walang karapatang pantao o kalayaan sa lahat, huwag ng banggitin ang kalayaan sa relihiyon! Sa sandaling iyon, hindi ko maiwasang magunita ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, "Ito ay upang ilabas, nang walang pasubali, ang galit na nagpapalaki ng inyong dibdib, upang puksain yaong inaamag na mga mikrobyo, upang tulutan kayo na iwan ang buhay na ito na hindi naiiba mula sa isang baka, o kabayo, upang hindi na maging isang alipin, upang hindi na maging malayang natatapak-tapakan o nauutus-utusan ng malaking pulang dragon; hindi na kayo magiging bahagi nitong nabigong bansa, hindi na magiging pagmamay-ari ng kasuklam-suklam na malaking pulang dragon, hindi na kayo maaalipin nito. Ang pugad ng demonyo ay tiyak na luluray-lurayin ng Diyos, at kayo ay tatayo sa tabi ng Diyos-kayo ay pagmamay-ari ng Diyos, at hindi nabibilang dito sa imperyo ng mga alipin. Matagal nang kinasuklaman ng Diyos itong madilim na lipunan hanggang sa Kanya mismong mga buto. Pinagngangalit Niya ang Kanyang mga ngipin, desperado Siyang mariing tapakan itong masama at kasuklam-suklam na matandang ahas, sa gayon hindi ito maaaring mabuhay muli, at hindi na kailanman muling aabusuhin ang tao; hindi Niya patatawarin ang mga kilos nito sa nakaraan, hindi Niya titiisin ang panlilinlang nito sa tao, pananatilihin Niya ang puntos ng bawat isa sa mga kasalanan nito sa kabuuan ng mga kapanahunan; hindi maaawa ni katiting ang Diyos dito sa pasimuno ng lahat ng kasamaan,[1] lubos Niya itong wawasakin" ("Gawain at Pagpasok (8)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa sandaling iyon, napuno ako ng kapwa lungkot at galit, dahil nakita ko kung paano talagang mapaminsala, tuso, at mapanlinlang ang pamahalaang Intsik. Ipinapangalandakan nito na sumusunod sila sa mga islogan na gaya ng "kalayaan ng pananalig ng relihiyon, pangangalaga sa mga lehitimong karapatan at interes ng mga mamamaya," ngunit sa ilalim nito, walang patumangga nitong ginagambala at winawasak ang gawain ng Diyos, inaaresto, binubugbog, pinagmumulta, at pinapatay ang mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos kung kailan nila gusto, at walang-awang pinupuwersa ang mga tao na tanggihan ang Diyos, ipagkanulo ang Diyos, at pasakop sa masamang pamumuno nito. Ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos, at natural at marapat ito na manalig sa Diyos at sambahin Siya, subalit ang reaksiyonaryong pamahalaang CCP ay sumasalungat sa Langit at kalikasan, tinatangkang pasinungalingan ang pagparito ng totoong Diyos. Di-makatao nitong inuusig ang mga mananampalataya sa Diyos, gumagamit ng mga pagbabanta, panunulsol, maling pagpaparatang, sapilitang pagpapaamin, at pagpapahirap. Ang mga krimen nito ay karumal-dumal, kahila-hilakbot, at kasuklam-suklam! Ang kaimbihan at kasamaan nito ay pinangyaring kamuhian ko ito nang sagad sa buto, at ako ay naging mas determinado kaysa dati na mamatay bago sumunod dito, at ang aking pananampalataya at paninindigan na sumunod sa Makapangyarihang Diyos at lakaran ang tamang landas sa buhay ay maging mas matatag kaysa dati.

Noong Agosto 2010, pinalaya ako pagkatapos kong ganapin ang aking sentensya. Nang bumalik ako sa bahay, nalaman ko na habang binubuno ko ang aking sentensya, ang aking asawa ay nasa ilalim din ng pagmamatyag ng pulisya sa loob ng isang taon. Nang taong iyon, sa gabi madalas mayroong pulis na naka-sibilyan na sinusubaybayan ang kanyang mga pagkilos, minamanmanan ang bahay, kaya naging imposible para sa asawa ko na bumalik sa bahay o magkaroon ng lugar kung saan nadarama niya na ligtas siya. Sa maghapon, kinailangan niyang magtrabaho sa labas, at sa gabi kinailangan niyang matulog sa bunton ng kahoy-panggatong kaya hindi niya magawang matulog nang mahimbing. Pagkatapos akong palayain, natuklasan ko na ang mga alipores na ito ng pulisya ay nagkalat ng bali-balita tungkol sa akin sa nayon, sinulsulan ang lahat sa nayon na talikdan ako, at inutusan ang direktor ng Kababaihan ng Nayon na manmanan ako. Hiniling din nilang sumulat ako ng isang pahayag na nangangakong hindi hindi ako aalis sa lungsod. Ipinagkait nila sa akin ang lahat ng personal na kalayaan. Pagkatapos mamalagi sa bahay sa loob ng isang buwan, muli akong pinuwersa ng 3-4 na opisyal ng pulis na pumunta sa National Security Brigade para sa isang pagtatanong. Muli nila akong ikinandado sa isang upuang bakal at sinikap na puwersahin akong sabihan sila ng impormasyon tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang dumating ang mga miiyembro ng aking pamilya para ilabas ako, may pagkaarogante nilang sinabi, "Kung gusto ninyo siyang mapawalan, kailangan ninyong magbayad ng multang 20,000 yuan, o pagsalitain siya sa amin ng impormasyon tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi, masesentensyahan ng limang taon ng muling pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapagal!" Walang ganoong kalaking pera ang aking pamilya, kaya wala silang nagawa kundi umuwi na puspos ng kawalang-pag-asa. Naunawaan ko nang lubos na gusto ng mga demonyong ito na muling gamitin ang kanilang pag-aresto upang puwersahin akong ipagkanulo ang Diyos, kaya sa aking puso ay kaagad akong nanawagan sa Diyos sa panalangin, "Makapangyarihang Diyos, muli na namang nanlalansi si Satanas ngayon, umaasa na mapupwersa akong ipagkanulo Ka, pero hindi ko hahayaang lokohin nila ako. Hindi alintana kung gaano karaming taon ng pagpapagal ang kailangan kong gawin, magpapatotoo ako para bigyang-kaluguran Ka." Kasabay ng pagsumpa ko sa aking puso na magpapatotoo gaano man kalaki ang kailangan kong ipagdusa, nakita ko ang mahimalang mga gawain ng Diyos: Nang makita ng masasamang pulis na ito wala silang mahihita sa kanilang pagtatanong, pinawalan nila ako nang gabing iyon. Nagpasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa pagbukas ng landas para sa akin at muling pagliligtas sa akin sa mga gapos ni Satanas.

Sa gitna ng malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP, hinding-hindi ko inakalang makalalabas pa ako ng buhay. Kung wala ang paggabay ng salita ng Makapangyarihan Diyos, kung wala ang pangangalaga at proteksiyon ng Makapangyarihang Diyos, at kung wala ang walang katapusang kalakasan na ipinagkaloob sa akin ng Diyos, ang sarili kong mahinang buhay ay maaring nakitil na at nalamon anumang oras ng mga di-makataong diyablong ito, at hinding-hindi ko makakayang tumayong matatag sa harap ni Satanas. Pinangyari nito na tunay na maunawaan ko ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, itinulot na maramdaman ko ang kahigitan at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Makapangyarihang Diyos, at tinulutan akong maranasan ang tunay na pag-ibig ng Diyos at di-makasariling panustos ng buhay para sa akin! Ang Makapangyarihang Diyos ang Siyang umakay sa akin muli't-muli upang mapagtagumpayan ang mga tukso ni Satanas, madaig ang aking takot sa kamatayan, at lumabas mula sa impiyernong iyon sa lupa. Lubos kong naranasan na tanging ang pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos para sa sangkatauhan ang wagas, at ang Makapangyarihang Diyos lamang ang Siyang maaasahan Ko, at Siya lamang ang aking kaligtasan. Gumawa ako ng hindi mababaling sumpa na iwaksi at itakwil si Satanas, itaguyod ang katotohanan, at walang-hanggang sumunod sa Makapangyarihang Diyos at tahakin ang maliwanag, wastong landas ng buhay!

Talababa:

1. Ang "pasimuno ng lahat ng kasamaan" ay tumutukoy sa sinaunang diyablo. Ang pariralang ito ay nagpapahayag ng sukdulang pagkamuhi.

________________________________

Sa pagharap sa lahat ng uri ng kahirapan at pagdurusa sa ating buhay, paano natin ang mga ito malalampasan? Mangyaring i-click at basahin ang mga salitang ito upang matulungan ka sa paghubog sa pananampalataya

Makipag-ugnayan sa Amin Online
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar