Sa pamamagitan ng Pag-unawa sa Misteryo ng mga Pangalan ng Diyos, Nakakasabay Ako sa mga Gawain ng Cordero
Ni Mu Zhen, Taiwan
Noong maliit pa ako, matalino at mabait akong bata kaya palagi akong kinagigiliwan ng aking mga magulang, kamag-anak, at mga kaibigan. Dahil palaging mataas ang mga grado ko sa paaralan at mabait ako at madaling pakisamahan, gustung-gusto ako ng mga guro at kaklase ko. Sa panahong iyan, puno ako ng pag-asa para sa hinaharap. Ikinagulat ko, gayunpaman, nang sumapit ang pagsusulit para sa hayskul, hindi ako natanggap sa nangungunang mahusay na paaralan para sa mga babae dahil nagkulang ako ng kalahating puntos at sa halip ay natanggap ako sa pangalawang mahusay na paaralan. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari kaya nagkulong ako sa aking silid nang dalawang araw at tumangging kumain o uminom. Iyan ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas ako ng pagkabigo sa aking buhay-naramdaman ko na tila nahulog ako sa madilim na kailaliman at iginupo ng pighati at pasakit.
Nang magsimula na muli ang klase, nagpunta ako sa oryentasyon na dama ang sobrang kalungkutan. Sa oras ng oryentasyon, isang senior na kaeskwela na babae ang nangaral sa akin ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Sa pagdalo ko sa mas marami pang pagtitipon ng iglesia at habang mas marami akong naririnig na karanasan ng mga kapatid na lalaki at babae, nadama ko na ang biyaya ng Panginoon ay tapat at maaasahan. Naniwala ako na hangga't nagdarasal ako at sumasamo sa Panginoong Jesucristo, matatangap ko ang Kanyang pagprotekta at pangangalaga, at matatamasa ang kapayapaan at katiyakan sa aking puso. Mula sa kalagayang iyon ng madilim na depresyon, unti-unting napasaakin muli ang aking pagiging optimista at pagiging positibo. Kalaunan, sa aking ikalawang taon sa hayskul, nabinyagan ako bilang isang Kristiyano.
Upang malaman pa ang tungkol sa mga katotohanan ng Biblia, pumasok ako sa isang kolehiyo ng teolohiya at bilang isang estudyante sa unang taon sa kolehiyo kumuha ako ng isang kurso na itinuro ng pastor na tinatawag na "Pambungad sa Relihiyon." Sa isang klase, sinabi ng pastor sa amin, "Sinasabi sa Kabanata 13, bersikulo 8 ng Mga Hebreo, 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.' Ang Panginoong Jesus ang tangi at nag-iisang Tagapagligtas. Siya ay tapat at maaasahan at ang Kanyang pangalan ay hindi kailanman magbabago, anuman ang panahon. Sa pagtitiwala lamang sa pangalan ni Jesus tayo maliligtas...." Mula sa kanyang sinabi, nalaman ko na tanging sa pamamagitan lamang ng pagliligtas ng Panginoong Jesus tayo masasagip mula sa masama at kamatayan at sa pagtitiwala lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maliligtas. Naisip ko na ang dahilan kaya tila palaging napakasaya at kumpiyansa sa sarili ang senior na kaeskwelang babae na nagdala sa akin sa iglesia ay marahil dahil sa lakas sa buhay na natamo niya mula sa pagtitiwala sa Panginoon. Pagkatapos ng klase na iyon, nagpasiya ako na susundin ang Panginoong Jesus at gagawin ang lahat ng aking makakaya para mapaglingkuran Siya. Dahil sa mithiing ito, ginugol ko ang lahat ng aking oras pagkatapos ng mga klase sa pakikibahagi sa komunyon, pag-aaral ng Biblia, gawaing misyonero ng ebanghelyo, at hindi ako kailanman lumiban sa isang sermon o pagtitipon.
Sa pagdaan ng panahon, natanto ko na ganoon pa ring mga bagay ang paulit-ulit na palaging sinasabi ng mga pastor at elder-walang bagong liwanag sa kanilang sinabi at kami, bilang mga mananampalataya, ay hindi nagtamo ng kahit bahagyang espirituwal na lakas mula sa kanilang mga salita. Ilan sa mga kapatid na lalaki at babae ay namuhay sa kahinaan-hindi sila kailanman dumalo sa mga pagtitipon at walang nag-abala na tulungan o suportahan sila. Nakakatulog ang ilang kapatid na lalaki at babae sa oras ng sermon at pagkatapos ay sinusubukang magbenta sa mga tao ng kalakal o seguro pagkatapos ng mga pagtitipon. May mga tao ring tumutulong sa pangangampanya ng mga kandidato sa pulitika para sa katungkulan. Sinabi ko sa aking sarili, "Itinuturing ka pa rin bang Kristiyano kung sumasampalataya ka sa Panginoon pero ang hangad mo lamang ay makinabang ang iyong sarili at hindi nagsisikap para umunlad ang iyong espirituwal na buhay? Hindi man lang sinasawata ng mga pastor at elder ang mga bagay na ito-ito ba ay naaayon sa kalooban at iniuutos ng Panginoon?" Nagalit at nadismaya ako sa kalagayang ito ng iglesia. Dahil matagal na akong hindi nakatanggap ng pagkaing espirituwal, naramdaman kong kulang at mahina ang aking espirituwalidad. Bukod pa rito, dahil abala ako sa trabaho at madalas mag-overtime sa mga araw ng Sabado at Linggo, hindi na ako nag-abala pang dumalo sa mga pagtitipon. Magbabasa lamang ako ng Biblia at magdarasal sa pangalan ng Panginoon kapag may mga problema ako. Nakadama ako ng kawalang-pag-asa at kawalang-layunin, pagkaligaw at kahinaan.
Noong Oktubre ng 2016, nakilala ko online si Brother Wang ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinakilala ako ni Brother Wang kay Brother Jin at sa ilang iba pang mga kapatid na lalaki at babae. Nakatulong sa akin ang pagbabahagi ni Brother Jin para maunawaan ang maraming katotohanan na hindi ko naunawaan noon. Ang ibinahagi niya tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay higit na praktikal at malinaw at marami akong natutuhan dito. Nanampalataya ako sa Panginoon nang maraming taon, pinag-aralan ang Biblia, at nakinig sa di-mabilang na sermon ng mga espirituwal na tao, ng mga pastor at mga elder, ngunit hindi ko kailanman narinig ang sinuman na nagbahagi tungkol sa aspetong ito ng katotohanan nang walang pasubali at malinaw. Nadiligan ang aking espiritu at naantig ang hangarin kong maghanap. Pagkatapos niyon, madalas akong makibahagi online sa kanilang mga pagtitipon.
Sa isa sa gayong pagtitipon, ibinahagi ni Brother Jin, "Upang lubos na mailigtas ang sangkatauhan, ang Diyos ay naglunsad ng anim na libong taon na plano ng pamamahala, hinati ito sa tatlong magkakaibang kapanahunan at ginagampanan Niya ang isang bagong yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Nababago ang pangalan ng Diyos kasabay ng iba't ibang gawaing ginagampanan Niya. Sa Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalang 'Jehova,' ipinahahayag ang mga batas at mga utos, at pinamunuan ang mga sinaunang Israelita sa kanilang buhay dito sa mundo. Gayunman, nang matapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kanyang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Kanyang pangalang 'Jehova' ay binago at naging 'Jesus.' Ngayon tayo ay nasa mga huling araw, at ginagampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ni Jesus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian at, sa paggawa nito, ang Kanyang pangalan ay binago at naging 'Makapangyarihang Diyos.'" Nang marinig ko na sinabi ni Brother Jin na nabago ang pangalan ng Diyos, sinabi ko sa aking sarili, "Malinaw na nakasaad sa Biblia: 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man' (Mga Hebreo 13:8). Ang Panginoong Jesus na sinampalatayanan ko ay nag-iisang tunay na Diyos at ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi mababago kailanman. Tanging sa pangalan lamang ng Panginoong Jesus tayo maliligtas-paano mo masasabi na nabago ang pangalan ng Diyos? Kung, sa ating mga dasal, hindi tayo tumatawag sa pangalan ni Jesus, kundi gumagamit ng ibang pangalan, paano pa rin iyan naaayon sa Biblia?" Nahamon nang husto ng pagbabahaging iyon ni Brother Jin ang aking mga pinaniniwalaan. Inilahad niya ang sumusunod na analohiya, sinasabing, "Sister Mu Zhen, kung ginawa kang Planning Officer ng kumpanya noong isang taon at pagkatapos ay Manager ng sumunod na taon, kung gayon Planning Officer ka man o Manager, ang mga kinakailangang gawin sa iyong trabaho ang magdidikta ng pagbabago sa iyong titulo. Tinatawag ka noon na Planning Officer Mu, ngunit ngayon tinatawag kang Manager Mu-sa kabila ng pagbabago sa iyong titulo at posisyon, mababago ba mismo ang iyong sarili? Hindi ba't ikaw pa rin iyan?" Tumugon ako, "Ako pa rin iyon," at hindi na tumutol pa, ngunit sa puso ko hindi ko pa rin matatanggap ang sinabi niya. Sinabi ko sa aking sarili, "Hindi maaaring mabago ang pangalan ng Diyos kailanman. Sa pagtitiwala lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maliligtas. Hindi mo ako madaling makukumbinsi. Mula ngayon hindi ko na kayo lahat papansinin at hanggang diyan na lang." Pagkatapos ng pagtitipon, lahat ng mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay pinagba-block ko sa chat app.
Sa aking pagkamangha, sa araw na iyon pagkatapos kong i-block ang lahat ng mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, noong bandang alas-8 ng gabi habang naghuhugas ako ng mga pinggan sa kusina, bigla kong narinig ang pagtunog ng aking doorbell. Binuksan ko ang pinto at sa harapan ko ay nakatayo ang dalawang babae na hindi ko pa kailanman nakita dati. Inabutan ako ng isa sa mga babae ng ilang impormasyon. Sa una ay napakagalang ko sa mga babae, ngunit nang makita ko na ang nakasulat sa ibinigay na polyeto sa akin ay, "Ang Pagbabalik ni Cristo-Nagbalik ang Panginoong Jesus Sakay ng mga Ulap" sa malalaking letra, bigla kong natanto na naroon sila para ipangaral ang ebanghelyo. Dahil naniwala ako sa panahong iyon na hindi kailanman mababago ang pangalan ng Panginoong Jesus, medyo nainis ako sa dalawang babae at ibinalik ang polyetong ibinigay nila sa akin. Tila medyo nalungkot sila at nang tatalikod na sila para umalis, isa sa mga kapatid na babae ang nagtanong sa akin, "Kapatid, kaya mo ba hindi tinanggap ang balitang ito ay dahil hindi ka naniniwala sa Diyos o dahil mula ka sa ibang denominasyon? Siniyasat at hinanap mo ba nang mabuti ang katotohanan?" Kahit ano pa ang sinabi sa akin ng mga kapatid na babae, talagang ayaw ko na silang pag-aksayahan pa ng aking oras, kaya bumalik na lamang ako sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina. Habang naghuhugas ako ng mga pinggan, patuloy kong naiisip ang tanong ng kapatid na babae, "Siniyasat at hinanap mo ba nang mabuti ang katotohanan?" Sinabi ko sa aking sarili, "Siguro hindi ko nga talaga hinanap nang mabuti ang katotohanan." Naalala ko kung paano ibinahagi ni Brother Wang at ng iba pa ang tungkol sa pagbabago ng pangalan ng Diyos at pagkatapos naisip ko kung gaano ito naiiba mula sa sariling pagkaunawa ko. Bagama't hindi ko naunawaan, hindi ko hinangad na hanapin ang katotohanan, at suriin ang sinabi niya gamit ang aking kaalaman tungkol sa Biblia. Tinanggap ko ang mga aspetong iyon sa kanilang pagbabahagi na sang-ayon ako, ngunit hindi ko hinanap o pinag-isipan ang mga aspetong iyon na hindi ko sinang-ayunan. Doon ko pa lamang natanto na ang kaalaman ko tungkol sa Biblia ay naging dahilan para mawala ang kadalisayan at kasimplihan sa aking puso. Naging ugali ko na ang mapagmagaling sa katotohanan-paano ko maaaring ituring ang aking sarili na isang tao na tapat na naghahanap ng katotohanan?
Nang maging kalmado ako nang bahagya, naalala ko ang isang bagay na madalas ibahagi sa akin ng mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa tinig ng Diyos-kung nais nating masayang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, dapat nating pakinggan ang tinig ng Diyos, makilala ang Kanyang tinig at maunawaan kung ano ang katotohanan." Ang ibinahagi ng mga kapatid na lalaki at babae ay naaayon sa Biblia. Ang matatalinong dalaga ay dapat makinig sa tinig ng Diyos, at hindi ba't nakasunod si Pedro ng Kapanahunan ng Biyaya sa Panginoong Jesus dahil narinig niya ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Panginoon? Nang matanto ito, dali-dali kong kinuha ang aking Biblia at binuklat sa Aklat ng Pahayag kabanata 3, bersikulo 20-22, kung saan sinasabi rito, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko. Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Pinag-isipan ko nang mabuti ang mga siping ito ng Banal na Kasulatan at naisip ko, "Iniuutos sa atin ng Diyos na kapag nagsasalita ang Banal na Espiritu, dapat tayong makinig. Napakapalad ko ngayon na marinig ang tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataon na makilala ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kaya bakit tinutulutan ko pa rin na mahadlangan ako ng sarili kong mga pagkaunawa? Bakit hindi ko pinakinggan ang anumang ideya na hindi ko naunawaan o salungat sa aking sariling mga pagkaunawa? Bagama't hindi ko matatanggap agad na nabago ang pangalan ng Diyos, sana man lang ay hinanap at siniyasat ko ang isyung ito at saka nagpasiya kapag lubos ko nang naunawaan ito!" Pagkatapos ay nakita ko ang sumusunod na sipi sa Mateo, kabanata 7, bersikulo 7: "Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan." "Kung mismong Diyos ang dumating at kumatok," naisip ko, "at ako, na nalinlang ng aking sariling mga pagkaunawa, ay hindi nakinig at pinagsarhan Siya dahil hindi ako nakahiwatig at hindi napabilang sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, hindi ba't matinding kahihiyan iyan?"
Nang gabing iyon, hindi ako makatulog at paulit-ulit na inisip ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Naisip ko sa aking sarili, "Namuhay ako rito nang 18 taon at ito ang unang pagkakataon na may mga taong dumating para ipangaral ang ebanghelyo. Itinanong pa sa akin ng kapatid na babae na iyon kung hinanap at siniyasat kong mabuti ang katotohanan-hindi kaya plano ng Diyos ang pagpunta ng dalawang kapatid na babae na hindi ko kilala para ipangaral sa akin ang ebanghelyo? At nang makadama ako ng pagkabalisa matapos silang tanggihan at nabasa sa Biblia ang mga sagot, inakay ako ng Diyos sa isang sipi tungkol sa pagkatok ng Panginoon sa pintuan-nagkamali ba ako sa pagpapaalis sa kanila? Ang Makapangyarihang Diyos ba talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus?" Nasa isipan ang mga bagay na ito, agad akong bumangon sa higaan at nagdasal sa Panginoon, humihingi ng Kanyang patnubay at kaliwanagan. Matapos akong magdasal, binuksan ko ang aking computer at nag-navigate sa opisyal na website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na tinatawag na Ebanghelyo ng Pagbaba ng Kaharian at tiningnan ang mga sipi na nauugnay sa pangalan ng Diyos. Natagpuan ko ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: "Sinasabi ng iba na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, kaya't bakit ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Ipinropesiya ang pagdating ng Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang tao na may pangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba ang gayong gawain ay isinakatuparan na noon pa? Hindi ba maaring gumawa ang Diyos ngayon ng bagong gawain? Ang gawain ng kahapon ay nababago, at ang gawain ni Jesus ay nakakasunod mula roon kay Jehova. Hindi ba kung gayon nasusundan ang gawain ni Jesus ng isa pang gawain? Kung ang pangalan ni Jehova ay napapalitan ng Jesus, kung gayon hindi ba ang pangalan ni Jesus ay napapalitan din? Ito'y hindi di-karaniwan, at iniisip nga ang ganoon ng tao[a] dahil lamang sa kanilang kakitiran ng isip. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Hindi alintana ang mga pagbabago sa Kanyang gawain at Kanyang pangalan, ang Kanyang disposisyon at karunungan ay nananatiling di-nagbabago magpakailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay matatawag lamang sa pangalang Jesus, kung gayon kakaunti lamang ang iyong nalalaman" ("Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi sa Diyos?" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ang siping ito, naunawaan ko na gumagawa ng bagong gawain ang Diyos sa bawat kapanahunan at gumagamit ng bagong pangalan kapag kinakailangan sa Kanyang bagong gawain. Inisip ko kung paano, sa Kapanahunan ng Kautusan, naging Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa ilalim ng pangalang ito pinamunuan ng Diyos ang mga Israelita. Gayunman, nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't nabago ang pangalang Jehova ng Diyos at naging Jesus? Ipinaliwanag ngayon ng Makapangyarihang Diyos ang bagay na ito nang napakalinaw-sino kaya ang makapagpapaliwanag sa mga misteryong iyon kung hindi dumating ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan? Hindi ko hinanap at siniyasat ang ideya na nagbabago ang pangalan ng Diyos dahil hindi ito tugma sa sarili kong mga pananaw. Kung ang Makapangyarihang Diyos ang talagang Panginoong Jesus na nagpakitang muli, at hindi ko pinagbubuksan ang Panginoon kahit kumakatok Siya palagi sa aking pintuan, napakatinding kahihiyan ang mangyayari kung nawala sa akin ang pagkakataon na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Dahil diyan, nagpasiya ako na hanapin at siyasating mabuti ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Kalaunan, pinag-a-unblock ko ang mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ikinuwento sa kanila ang tungkol sa naranasan ko nang gabing iyon. Sa isang pagtitipon, ibinahagi ng mga kapatid na lalaki at babae sa akin ang siping ito sa Banal na Kasulatan: "Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?" (Mateo 18:12). Sinabi ng mga kapatid na lalaki at babae na para akong isang tupa na naligaw at ang Diyos ay humayo para hanapin ako at dalhin sa Kanyang harapan. Talagang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nang maligaw ako, ay ginabayan ako ng Diyos na i-unblock ang mga kapatid na lalaki at babae at magpatuloy sa pagdalo sa mga pagtitipon. Salamat sa Diyos dahil hindi Niya ako pinabayaan!
Pagkatapos ay tinanong ako ni Sister Xiling, "Sister Mu Zhen, bakit mo biglang pinagba-block ang lahat? Hindi mo ba naunawaan ang ilang aspeto ng katotohanan?" Tumango ako, sinabing, "Malinaw ang sinasabi sa Biblia, 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man' (Mga Hebreo 13:8). Pinatutunayan nito na si Jesucristo ay hindi magbabago magpakailanman. Kahit bumalik pa ang Diyos sa mga huling araw, ang pangalan pa rin Niya ay Jesus-ang pangalang ito ay hindi mababago. Ngunit sinabi sa ibinahagi ni Brother Jin na ang pangalan ng Diyos sa mga huling Araw ay Makapangyarihang Diyos at hindi ko talaga matanggap ito. Simula noong nabinyagan ako, palagi akong nagdarasal sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, kaya paano ko Siya matatawag sa ibang pangalan?" Nang matapos ako, ipinadala sa akin ni Sister Xiling ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: "Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? ... Ang mga salitang 'Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma' ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang 'Ang Diyos ay hindi magbabago' ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong" ("Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pagkatapos ay sinabi ni Sister Xiling, "Ipinaliwanag ito nang napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: Kapag sinasabi natin na ang 'Ang Diyos ay hindi magbabago,' ang tinutukoy natin ay ang Kanyang disposisyon at diwa. Hindi ito nangangahulugan na hindi na magbabago kailanman ang pangalan ng Diyos. Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Ang gawain ng Diyos ay palaging sumusulong, ang Kanyang pangalan ay dapat baguhin para ipakita ang mga pagbabago sa Kanyang gawain. Gayunman, gaano man maaaring magbago ang pangalan ng Diyos, ang diwa ng Diyos ay hindi kailanman nagbabago-ang Diyos ay Diyos pa rin. At gayunman hindi natin nauunawaan kung ano talaga ang tinutukoy ng 'hindi magbabago' at hindi natin nakikita kung paano palaging bago at hindi kailanman luma ang gawain ng Diyos, at dahil diyan napakadali para sa atin na limitahan ang gawain ng Diyos at hindi tanggapin ang Diyos batay sa ating mga pagkaunawa at mga imahinasyon. Halimbawa, pinagpilitan ng mga Fariseo ang pagkaunawa nila na 'si Jehova ay ang tanging nag-iisang Diyos, walang Tagapagligtas kundi ang Jehova.' Nang dumating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa pangalang 'Jesus,' at nakita ng mga Fariseo na nabago ang pangalan ng Jehova at hindi Siya tinawag na 'Mesiyas' tulad ng sinabi noon sa mga propesiya, ikinaila nila na ang Panginoong Jesus ang Cristo, na Siya ang Diyos Mismo, at galit na kinondena at sinalungat nila ang Panginoong Jesus, hanggang sa nakipagsabwatan sila sa mga opisyal na Romano para ipako sa krus ang Panginoong Jesus. Para sa napakabigat na mga kasalanang ito, dumanas sila ng kaparusahan ng Diyos. Gayon din, kung ipagpipilitan natin na panghawakan nang hindi nauunawaan ang Biblia, at ipagpipilitan ang pagkaunawang hindi nagbabago ang pangalan ng Diyos, at ipinagkakaila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung gayon wala tayong ipinagkaiba sa mga Fariseo, na nagsabing naniniwala sila sa Diyos ngunit sinasalungat ang Diyos?"
Kasunod nito, hiniling niya sa akin na basahin ang dalawang iba pang sipi ng mga salita ng Diyos: "Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang ganap na makakatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan" ("Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Ang pangalang Jesus ba-"Diyos kasama natin"-ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay talagang kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos kasama natin, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba't ibang pangalan ang Diyos, ngunit sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya, maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. ... Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kakayahan upang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya maaari ba Siyang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Sa bawat kapanahunan na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng isang pangalan na naaangkop sa kapanahunan upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng pansamantalang kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon. Ito ang paggamit ng Diyos ng wika ng tao upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon" ("Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sinabi sa ibinahagi ni Sister Xiling, "Ginagampanan lamang ng Diyos ang isang bahagi ng gawain sa Kanyang plano sa anumang kapanahunan at ipinapahayag lamang ang isang aspeto ng Kanyang disposisyon. Ang pangalang ginagamit Niya sa isang partikular na kapanahunan ay kumakatawan lamang sa ipinapakita Niyang disposisyon at sa gawaing ginagawa Niya sa kapanahunang iyan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ang pangalang Jehova ay ginamit para katawanin ang gawaing ginawa ng Diyos gayon din para ipahayag ang maringal, mabagsik, mahabagin at mapagsumpa na mga aspeto ng Kanyang disposisyon. Sa ilalim ng pangalang Jehova, ipinahayag ng Diyos ang mga batas at mga utos at ginabayan ang mga tao sa kanilang buhay sa mundong ito. Bunga nito, lalo pang bumuti ang pag-uugali ng mga tao at natutuhan nila kung paano sambahin ang Diyos. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil ang mga tao ay lalo pang ginawang tiwali ni Satanas, tumigil sila sa pagsunod sa mga batas at mga utos at pinili ang panganib na makondena at maparusahan ng kamatayan. Upang mailigtas ang mga tao mula sa kahigpitan ng kautusan, ginampanan ng Diyos ang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalang Jesus, sa gayon sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag Niya ang Kanyang mapagmahal at mahabaging disposisyon, nangaral ng pagsisisi at sa huli ay tinubos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa Kanya sa krus. Lahat ng tumanggap sa Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas at nanalangin sa pangalan ng Panginoon para magtapat at magsisi ay napatawad na. Mula rito, makikita natin na makahulugan ang pangalang pinipili ng Diyos sa bawat kapanahunan. Ang bawat pangalan ay kumakatawan lamang sa isang bahagi ng gawain ng Diyos at sa isang aspeto ng Kanyang disposisyon-hindi makakatawan ng isang pangalan ang kabuuan ng Diyos. Kung, sa Kapanahunan ng Biyaya, dumating ang Diyos sa pangalang Jehova at hindi Jesus, matitigil sa Kapanahunan ng Kautusan ang pagsulong ng gawain ng Diyos at, tayo, bilang mga tiwaling tao, ay hindi sana natanggap kailanman ang pagtubos, ngunit sa halip ay nakondena sana at naparusahan ng kamatayan dahil sa paglabag sa mga batas at mga utos. Gayon din, kung, kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw, tinawag pa rin Siyang Jesus, natigil na sana sa Kapanahunan ng Biyaya ang gawain ng Diyos. Mapapatawad ang ating mga kasalanan, ngunit mamumuhay pa rin tayo na paulit-ulit na nagkakasala at nagtatapat ng kasalanan at hindi natin makakayang makalaya sa mga tanikala ng kasalanan at matamo ang pagkadalisay. Dahil diyan, para lubos tayong mailigtas mula sa mga tanikala ng kasalanan at makamtan ang pagkadalisay, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao sa laman upang ipahayag ang Kanyang mga salita at gampanan ang gawain ng paghatol at pagkadalisay, itatag ang Kapanahunan ng Kaharian at tapusin ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagbabago ng kapanahunan, nabago rin ang pangalan ng Diyos at naging 'Makapangyarihang Diyos,' na nagsasakatuparan sa propesiya sa Aklat ng Pahayag kabanata 1, bersikulo 8 na nagsasabing, 'Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.'"
Dahil sa mga ibinahaging ito ng mga kapatid na lalaki at babae, naunawaan ko kung bakit ang sipi sa Banal na Kasulatan na nagsasabing, "Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man" (Mga Hebreo 13:8) ay hindi nangangahulugang hindi kailanman magbabago ang pangalan ng Diyos, ngunit sa halip ang diwa ng Diyos ang hindi magbabago. Nalaman ko rin na hinati ng Diyos ang Kanyang anim na libong taon na plano ng pamamahala sa tatlong yugto-ang Kanapahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian-at sa bawat bagong yugto ng gawain, gumagamit ang Diyos ng bagong pangalan para katawanin ang Kanyang gawain at disposisyon sa kapanahunang iyan. Gumagamit din Siya ng pag-aangkop ng bagong pangalan para pasimulan ang isang bagong kapanahunan. Talagang makahulugan ang pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan! Kung, tulad ng pinaniwalaan ko noon, hindi nagbago ang pangalan ng Diyos at, kapag bumalik Siya, Siya ay tinatawag pa ring Jesus, hindi kaya gayon pa rin ang Kanyang gawain?
Pagkatapos ng pagtitipon, tiningnan kong muli ang ilang sipi mula sa Pahayag: "Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat" (Pahayag 1:8). "Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12). Lahat ay biglang naging malinaw matapos kong basahin ang mga siping ito, at sinabi ko sa aking sarili, "Nabasa ko na noon ang dalawang siping ito, kaya paanong hindi ko napansin kung ano talaga ang kahulugan ng mga ito? Malinaw na sinasabi sa dalawang siping ito ng Banal na Kasulatan kung paanong, kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw, hindi na Siya tatawaging Jesus at ang Kanyang bagong pangalan ay magiging 'ang Makapangyarihan.' Palagi akong umaasa sa pahayag na iyon mula sa Biblia na nagsasabing, 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man' (Mga Hebreo 13:8), iniisip na hindi magbabago ang pangalan ng Diyos kailanman, ngunit hindi ko naisip na suriin ang iba pang mga sipi sa Banal na Kasulatan, at patuloy lamang na tinanggihan at sinalungat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Napaka-ignorante ko!" Sa pamamagitan ng ibinahagi sa akin ng mga kapatid na lalaki at babae, pati na ang mga propesiya sa Biblia hinggil sa pangalan ng Diyos, wala na akong anumang pag-aalinlangan tungkol sa pangalang pinili ng Diyos sa mga huling araw.
Ilang araw kalaunan, sa isang pagpupulong, nabasa namin ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: "Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka't minahal at iginalang nila Ako. Subali't ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon-Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma'y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali't sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos-Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan" ("Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng 'Puting Ulap'" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sinasabi sa ibinahagi ni Sister Xiling, "Sa mga huling araw, sinimulan na ng Diyos ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga salita sa Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalang 'Makapangyarihang Diyos,' at inihayag sa mga tao ang Kanyang matuwid, maringal na disposisyon na hindi nagsasaalang-alang sa mga pagkakasala. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay naglantad sa realidad ng katiwalian ng mga tao dahil kay Satanas pati ang pinagmumulan ng pagsalungat natin sa Diyos. Hinatulan ng mga salita ng Diyos ang ating pagiging mapanghimagsik at hindi pagkamatuwid at ipinakita sa atin ang landas at ang direksyon na kailangan nating tahakin para mabago ang ating mga disposisyon. Hangga't nakatuon tayo sa paghahangad ng katotohanan sa lahat ng bagay, ginagamit ang katotohanan para maalis ang ating mga tiwaling disposisyon, at nagiging mabuti at tinatrato ang iba ayon sa iniuutos ng Diyos, maaari nating maalis nang paunti-unti sa ating sarili ang ating mga tiwaling disposisyon at matamo ang lubos na pagliligtas ng Diyos. Kapag natapos na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, lahat ng taong tumanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at nagtamo ng pagkadalisay at pagliligtas ng Diyos ay aakayin ng Diyos patungo sa Kanyang kaharian para matamasa ang mga pagpapala ng Diyos at ang Kanyang pangako. Para naman sa mga taong tumanggi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at sumalungat, nagkondena, nanirang-puri at lumapastangan sa Kanya, silang lahat ay malilipol ng matitinding kalamidad sa pagwawakas ng panahon at parurusahan at wawasakin ng Diyos. Kaya nga, ginagamit ng Diyos ang pangalang 'Makapangyarihang Diyos' upang ipakita ang Kanyang matuwid, maringal na disposisyon na hindi nagsasaalang-alang sa lahat ng tao, inihihiwalay Niya ang mga tao ayon sa kanilang uri, tinatapos ang kapanahunan na ito ng kasamaan at tinatapos ang lahat ng gawain ng anim na libong taon na plano ng pamamahala ng Diyos. Nais ng Diyos na makita natin na hindi lamang Siya ang Panginoon at Tagapaglikha ng lahat ng bagay, Siya rin ay maaaring magsilbing handog para sa kasalanan natin at maaari ding maperpekto, mabago, at dalisayin ang mga tao. Ang Diyos ang Una at ang Huli at ang Kanyang kahanga-hangang mga gawa ay di-maarok ng tao. Dahil diyan, ang paggamit ng Diyos ng pangalang 'Makapangyarihang Diyos' ay lalong makabuluhan. Sa kasalukuyan, pinangangalagaan na lamang ng Banal na Espiritu ang gawaing nagawa sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Lahat ng tumatanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at nagdarasal sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay makatatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu, at patuloy na pagkakalooban ng buhay na tubig ng buhay. Naging malungkot at mapanglaw ang mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya-nanghihina ang pananampalataya ng mga naniniwala sa mga ito, nagkukulang ng substansya ang mga sermon, hindi makaantig ang panalangin sa kanila, at parami nang parami sa kanila ang naaakit ng mga makamundong kalakaran. Ang pinagmulan ng kanilang mga problema ay batay sa katotohanang ginagampanan ng Diyos ang bagong gawain, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay nalipat sa mga iglesia ng Kapanahunan ng Kaharian mula sa mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya. Hindi sila nakasabay sa mga gawain ng Cordero, hindi nila tinanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos at, dahil diyan, hindi nila maaaring matamo ang buhay na tubig ng buhay at masasadlak sila sa kadiliman at wala nang paraan para makalabas."
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng kapatid na babae, lumalim ang pagkaunawa ko sa kahulugan ng paggamit ng Diyos ng iba-ibang pangalan sa magkakaibang kapanahunan. Nagtamo rin ako ng kaalaman tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos at sa disposisyong ipinahahayag Niya sa mga huling araw-mahalaga ito para mapalaya tayo mula sa mga gapos ng kasalanan at mailigtas tayo ng Diyos! Gaya nga ng nangyari, ang dahilan kaya hindi ako natustusan ng pakikinig sa mga sermon nitong mga huling taon, at kung bakit humina ang pananampalataya ng aking mga kapatid na lalaki at babae, kung bakit walang substansya ang mga sermon ay dahil nabago na ang gawain ng Banal na Espiritu: Pinangangalagaan na lamang ngayon ng Banal na Espiritu ang gawaing ginawa sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Dahil hindi natin tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos at hindi nakasabay sa mga gawain ng Cordero, tayo ay nahulog sa kadiliman. Doon ko lamang nalaman sa aking puso na totoong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus.
Kalaunan pa, ibinahagi sa akin ng mga kapatid na lalaki at babae ang hinggil sa kung paano makikilala ang tunay na mga iglesia mula sa mga huwad na iglesia, kung paano matutukoy ang gawain ng Banal na Espiritu mula sa gawain ni Satanas, at iba pang mga aspeto ng katotohanan. Malaki ang naitulong sa akin ng mga pagbabahaging ito. Sa tuwing makakasama ko ang aking mga kapatid na lalaki at babae sa panonood ng mga pelikula at mga video ng ebanghelyo, nakadarama ako ng espirituwal na kasiyahan at puspos ang aking puso ng kapayapaan at katiyakan. Hindi lamang nasagot ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang marami kong tanong noon sa aking pananampalataya sa Panginoon, ngunit nilutas din nito ang maraming problema ko sa buhay. Natamo ko rin ang pananampalatayang iyon na nadama ko noong una akong manampalataya sa Panginoon. Nagalak ako na pinili ako ng Diyos na matanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw at nagsimula akong sumabay sa mga gawain ng Cordero. Ngayon, binabasa ko araw-araw ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kapag lalo akong nagbabasa, lalo akong nakadarama ng liwanag na pumupuspos sa aking puso, at mula sa kaibuturan ng aking puso lubos akong nakakatiyak na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Lubos akong nakatiyak na nagpakita na ngayon ang Diyos at gumagawa bilang Makapangyarihang Diyos, at tinanggap ko ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos at opisyal na sumapi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos dahil iniligtas Niya ako!
Talababa:
a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay "na siyang."
________________________________
Ang Panginoong Jesus ay nakabalik na at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Ang mga taong taimtim na naghahanap at nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos ay makikilala ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng Diyos.