Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

21.05.2020

Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
I
Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumasalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N'ya.
Buhay ng tao'y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gaya ng karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib'hang Kanyang diwa sa tao.
II
Kasama natin Siya sa pamumuhay, walang takot at malaya,
ang tingin natin sa Kanya'y 'di higit sa walang halagang mananalig.
Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating saloobin ang lahat ng 'to ay lantad sa harapan Niya.
Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos,
walang nakaisip sa tungkulin Niya,
higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya.
Nagpapatuloy lamang tayo sa mga gawain natin,
na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin.


mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

_________________________________________________

Manood ng higit pa: Chinese Christian songs

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar