Ano ang paghatol?

13.03.2021

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

-mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagdating sa salitang "paghatol," maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama't matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

-mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Matapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, makikita natin ang katunayan na ang pinagmumulan ng katotohanan ay ang Diyos, at ang pinagmumulan ng lahat ng bagay na positibo ay ang Diyos. Kung saanmang may paghadlang at pagtitiwali ni Satanas at pagkakasala ng pagkalaban sa Diyos, tiyak na susunod doon ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung saanman may paghatol ang Diyos, magkakaroon ng pagpapakita ng katotohanan at ang pahayag ng disposisyon ng Diyos. Ang katotohanan at disposisyon ng Diyos ay ibinunyag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung saan lamang may katotohanan ay naroon ang paghatol at pagkastigo; kung saan lamang may paghatol at pagkastigo ay naroon ang pahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, kung saan may paghatol at pagkastigo ng Diyos, doon natin makikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos, at iyon ang pinakatotoong daan para mahanap ang pagpapakita ng Diyos. Tanging Diyos lang ang may awtoridad na magbigay ng paghatol, at tanging si Cristo lang ang may kapangyarihan na hatulan ang tiwaling sangkatauhan. Kinukumpirma nito at ipinapakita na ang Anak ng tao-si Cristo-ay ang Panginoon ng paghatol. Kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, walang kaparaanan ang mga tao na makuha ang katotohanan, at ang paghatol at pagkastigo ay ang nagbubunyag sa matuwid na disposisyon ng Diyos, nagbibigay sa mga tao ng pagkakataon para makilala ang Diyos. Ang proseso kung saan ang mga tao ay naiintindihan ang katotohanan ay ang proseso kung saan nakikilala nila ang Diyos. Ang katotohanan para sa tiwaling sangkatauhan ay paghatol, pagsuri, at pagkastigo. Kung ano ang ibinubunyag ng katotohanan ay mismong katuwiran, kamahalan, at poot ng Diyos. Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan ay kayang itapon ang katiwalian at nakakawala sa impluwensya ni Satanas. Ito'y lubos na nakasalalay sa kapangyarihan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng mga salita ng Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga tao at pineperpekto ang mga tao para ipaunawa sa mga tao ang katotohanan, upang makamit ang katotohanan. Habang mas nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, mas lalo rin nilang nakikilala ang Diyos. Sa ganitong paraan maaaring alisin ng mga tao ang katiwalian at makamit ang pagkadalisay. Kapag namuhay ang mga tao para sa katotohanan at pumasok sa realidad ng katotohanan, ito ay pamumuhay sa liwanag, pamumuhay sa pag-ibig, at pamumuhay sa harapan ng Diyos. Ito ang resulta na nakamtan ni Cristo sa pamamagitan ng paghahatid ng katotohanan at pagbibigay ng paghatol. Sa katunayan, ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan at mga paghatol sa sangkatauhan. Kahit sa anong panahon man, ang mga salita na sinabi ng Diyos ay may epekto ng paghatol. Sa Kapanahunan ng Kautusan ang mga salita ng Diyos na Jehova ay mga paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga salita na sinabi ng Panginoong Jesus ay mga paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Ngayong Kapanahunan ng Kaharian, sa mga huling araw na isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo, ang lahat ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ay higit pang paghatol, na sa huli'y para makita ng sangkatauhan na ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan ay ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang inihahatid ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa sangkatauhan ay kaligtasan at pagkaperpekto. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap at pagsunod sa paghatol at pagkastigo ng Diyos nakukuha ng isang tao ang tunay na pag-ibig ng Diyos at lubos na pagliligtas. Lahat niyaong mga taong tumatanggi na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay sasailalim sa kaparusahan ng Diyos at lulubog sa pagkawasak at walang-hanggang kapahamakan....

-mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

________________________________

Magrekomenda nang higit pa: Bakit Ginagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?

Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar