Tanging ang Tunay na Pagsisisi ang Makapagpapahintulot sa Atin na Makamit ang Kaligtasan ng Diyos

16.07.2020

Sa harap ng madalas na mga sakuna, maraming tao ang nakakaramdam ng takot at walang magawa, at ipinagdarasal nila ang awa ng Diyos. Kung gayon, ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga madalas na sakuna? Paano natin makakamit ang awa at proteksyon ng Diyos?

Balikan muli ang panahon na ang mga masasamang gawa ng mga taga-Nineve ay dumating sa harap ng Diyos: Nagpasya ang Diyos na wasakin ang lungsod, ngunit bago ang paglipol, inutusan ng Diyos si propeta Jonas na magtungo sa Nineve upang ihatid ang Kanyang salita, "Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak" (Jonas 3:4). Pagkatapos, ang lahat mula sa hari hanggang sa mga karaniwang tao, pagkatapos na marinig ang salita ng Diyos, lahat ay nagsisi sa Diyos sa sako at abo, iniwan ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang kanilang marahas na pag-uugali. Nang makita ng Diyos ang totoong pagsisisi ng mga taga-Nineve, ipinagkaloob Niya ang Kanyang awa, pinigilan ang Kanyang galit, at inalis ang sakuna na mangyayari sa kanila.

Ngayon, ang mga tao sa mga huling araw ay naging tiwali rin nang sukdulan, at kahit na ang mga mananampalataya sa Panginoon ay madalas na hindi naisasakatuparan ang mga salita ng Panginoon at nabubuhay sila sa isang siklo ng pagkakasala at pagkukumpisal, na hindi mapalaya ang kanilang sarili mula dito. Kaya, ang madalas na sakuna ay mga babala ng Diyos sa atin, at sa pamamagitan ng mga sakuna ay binibigyan tayo ng pagkakataon ng Diyos na magsisi. Kung gayon paano natin makakamit ang totoong pagsisisi at makamit ang kaligtasan ng Diyos?

Isang Diskusyon sa Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

____________________________________

Ano ang panalangin? Ang panalangin ay nangangahulugan na tayo ay maging inosente at bukas sa harap ng Diyos, na sinasabi natin sa Diyos kung ano ang nasa ating puso, na sinasabi natin sa Diyos ang ating mga praktikal na isyu at paghihirap, at na hinahanap natin ang kalooban at mga kahilingan ng Diyos. Ang lahat ng ito ay nangangahulugang nagsasabi tayo ng isang tunay na panalangin sa Diyos at bukas ang ating mga puso sa Diyos.


© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar