Kung Paano Sinalubong ng Matatalinong Birhen ang Panginoon
Mabuting magkaibigan sina Anick and Mireille. Isang araw, isang di inaasahang pagkakataon ang dumating nang mapanood nila ang pelikulang Nasaan Ang Aking Tahanan, na gawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naantig sila nito, at ang aklat na bumago sa kapalaran ng bida sa pelikula ay partikular na pumukaw sa kanilang atensyon. Naramdaman nila ang init at awtoridad ng mga salita sa aklat na iyon, at pakiramdam nila'y walang karaniwang tao na makapagsasabi ng mga salitang iyon. Nang marinig nila na ang mga salitang ito ay mga binigkas ng nagbalik na Panginoon, hindi sila makapaniwala. Ang alam nila, hindi pa dumarating ang Panginoon nang nasa sa alapaap at lantarang nagpapakita, kaya paanong masasabi na ang Panginoon ay bumalik? Pagkatapos ng pagkabagabag sa kalooban, isinaalang-alang nila ang katotohanang ang gawain ng Diyos ay hindi kayang arukin ng saloobin at isipan ng tao, at nagdesisyon silang bitiwan ang kanilang mga kuro-kuro at mga palagay nila at siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Paano nila nakilala ang tinig ng Diyos at sa huli'y tinanggap ang Panginoon? Pakinggan natin ang kuwento ni Anick.
________________________________
Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang ito? Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo