Anong Uri ng mga Tao ang Makakapasok sa Kaharian ng Langit?
Ang Pagpasok sa kaharian ng langit ay ang minimithi ng lahat ng mga Kristiyano, at ito ang paksa na lubhang inaalala natin. Kaya ano ang dapat nating gawin upang makapasok sa kaharian ng langit? Maraming naniniwala: "Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala. Pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Hangga't isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga't payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, tayo ay siguradong maitataas sa kaharian ng langit kapag nagbalik ang Panginoon." Gano'n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang 'yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Tulad ng sinabi sa mga salita ng Diyos: "kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:45). Ang Panginoon ay banal, kaya ang mga taong makasalanan ay hindi maaaring makita Siya. Paanong ang mga yaong hindi pa nakakatakas mula sa gapos ng kasalanan ay makakapasok sa kaharian ng langit?" Alin sa dalawang mga pananaw ang naaayon sa kalooban ng Panginoon? Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit?
Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos
_________________________________________________
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.