Ang Katotohanan ng Gawain ng Paglupig sa mga Huling Araw
Ang Katotohanan ng Gawain ng Paglupig sa mga Huling Araw
Ⅰ
Diyos 'di kilala o sinasamba
ng taong tiwali.
Sa paglikha, kina Adan at Eva
luwalhati ni Jehova'y nanatili.
Ngunit naging tiwali ang tao,
nawalan ng kal'walhatia't patotoo
nang sa Diyos naghimagsik sila
at 'di na gumalang sa Kanya.
Gawain ngayo'y bawiin
kal'walhatian,
upang lahat Diyos ay sambahin,
sa mga nilikha'y magpatotoo.
Sa yugtong ito ng gawain ay gagawin 'to,
gawain ng paglupig sa mga huling araw.
Ⅱ
Pa'no malulupig ang tao?
Sa mga salita sila'y kumbinsido,
may paghatol at pagkastigo
at sumpang sila'y igugupo,
nilalantad rebelyon ng tao,
hinahatulan kanilang paglaban,
para ipakitang sila'y marumi,
para ipakitang Diyos ay makat'wiran.
Gawain ngayo'y bawiin
kal'walhatian,
upang lahat Diyos ay sambahin,
sa mga nilikha'y magpatotoo.
Sa yugtong ito ng gawain ay gagawin 'to,
gawain ng paglupig sa mga huling araw.
Ⅲ
Salita ng Diyos lulupigin
at tao'y kukumbinsihin.
Mga tumatanggap ng paglupig ng Diyos
dapat tanggapin paghatol ng Kanyang salita.
Kung masusunod mo ang mga salitang 'to,
at 'di ang sariling paraan mo,
sa gayo'y nalupig ka na
ng Kanyang salita.
Gawain ngayo'y bawiin
kal'walhatian,
upang lahat Diyos ay sambahin,
sa mga nilikha'y magpatotoo.
Sa yugtong ito ng gawain ay gagawin 'to,
gawain ng paglupig sa mga huling araw,
gawain ng paglupig sa mga huling araw.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
_________________________________________________
Rekomendasyon: Tagalog Christian Songs with Lyrics