Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao
Ang lahat ng tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito magiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat makaalam ng Aking kalooban. Gumawa na Ako sa lupa sa loob ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman maraming pambihirang bagay na kasama sa Aking gawain, ang layunin ng gawaing ito ay nananatiling hindi nagbabago; tulad lamang ng, bilang halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo tungo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa gitna ng lahat ng bansang Gentil, sa sandaling ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang nabigo sa kanilang mga pag-asa, patuloy pa rin Ako sa Aking gawain, ipinagpapatuloy ang gawain na dapat Kong gawin upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katunayan na ang tao ay punô na sa Aking sinasabi at sa kabila ng katunayan na wala siyang pagnanasang makialam sa Aking gawain, isinasakatuparan Ko pa rin ang Aking tungkulin, sapagka't ang layunin ng Aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang katungkulan ng Aking paghatol ay upang bigyang-kakayahan ang tao na maging mas mahusay sa pagsunod sa Akin, at ang katungkulan ng Aking pagkastigo ay upang hayaan ang tao na mas mabisang mabago. Bagaman ang Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa na ng anumang bagay na walang pakinabang sa tao. Iyon ay dahil nais Kong gawin ang lahat ng bansa sa labas ng Israel na kasing-masunurin ng mga Israelita, at gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon may panghahawakan Ako sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang gawain na Aking tinutupad sa gitna ng mga bansang Gentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nakakaunawa sa Aking pamamahala, sapagka't wala silang interes sa mga bagay na ito, kundi nagmamalasakit lamang sa kanilang mga sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, ang mga tao ay wala pa ring malasakit sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay tanging nakatuon lamang sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay-bagay ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapapalawak ang Aking gawain? Paano mapapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman, na kapag ang Aking gawain ay pinalalawak, ikakalat Ko kayo, at papaluin Ko kayo, gaya nang pinalo ni Jehova ang bawat isa sa mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang palaganapin ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, at palaganapin ang Aking gawain tungo sa mga bansang Gentil, nang sa gayon ang Aking pangalan ay maaaring madakila ng parehong matatanda at mga bata, at ang Aking banal na pangalan ay dakilain ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng tribo at bansa. Ito ay upang sa huling kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa gitna ng mga bansang Gentil, na makikita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, at tatawagin nila Akong ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at na ang Aking mga salita ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng bansa ng mga Gentil, kahit na yaong Aking naisumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano ng gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na matutupad sa mga huling araw.
Ang gawain na Aking napamahalaan nang libu-libong taon ay ganap na nabubunyag lamang sa tao sa mga huling araw. Ngayon Ko lamang nabuksan na ang buong misteryo ng Aking pamamahala sa tao. Batid ng tao ang layunin ng Aking gawain at bukod pa ay nakaunawa na sa lahat ng Aking mga misteryo. At nasabi Ko na sa tao ang lahat ng tungkol sa hantungan na kanyang inaalala. Nabuksan Ko na para sa tao ang lahat ng Aking mga misteryo na nakatago nang mahigit sa 5,900 taon. Sino si Jehova? Sino ang Mesias? Sino si Jesus? Dapat ninyong malaman ang lahat ng ito. Ang Aking gawain ay umiikot sa mga pangalang ito. Naunawaan na ba ninyo iyan? Paano dapat iproklama ang Aking banal na pangalan? Paano dapat mapalaganap ang Aking pangalan sa alinman sa mga bansa na nakatawag na sa Akin ng alinman sa Aking mga pangalan? Ang Aking gawain ay nasa proseso na ng paglawak, at Aking palalaganapin ang kapunuan nito sa alinman at sa lahat ng bansa. Dahil ang Aking gawain ay naisakatuparan na sa inyo, papaluin Ko kayo gaya nang pinalo ni Jehova ang mga pastol sa sambahayan ni David sa Israel, na nagsasanhi sa inyong pangangalat sa gitna ng bawat bansa. Dahil sa mga huling araw, dudurugin Ko ang lahat ng bansa sa maliliit na piraso at magsasanhi sa kanilang mga tao na maikalat muli. Sa muli Kong pagbabalik, ang mga bansa ay mahahati na sa mga hangganang itinakda ng Aking nagliliyab na apoy. Sa panahong iyon, ipamamalas Kong muli ang Aking Sarili sa sangkatauhan bilang ang nakapapasong araw, ipinapakita ang Aking Sarili nang lantaran sa kanila sa larawan ng Banal na Isa na hindi pa nila kailanman nakita, na naglalakad sa gitna ng napakaraming bansa, gaya ng Ako, si Jehova, ay minsang naglakad kasama ng mga tribo ng Judio. Simula roon, pangungunahan Ko ang sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa daigdig. Doon tiyak na makikita nila ang Aking kaluwalhatian, at tiyak na makikita rin nila ang haliging ulap sa himpapawid upang pangunahan sila sa kanilang mga buhay, dahil magpapakita Ako sa mga banal na lugar. Makikita ng tao ang Aking araw ng pagkamakatuwiran, at gayon din ang Aking maluwalhating pagpapamalas. Magaganap iyan kapag naghahari Ako sa buong daigdig at dinadala ang marami Kong anak na lalaki tungo sa kaluwalhatian. Sa lahat ng dako sa daigdig, yuyukod ang mga tao, at ang Aking tabernakulo ay matatag na maitatayo sa gitna ng sangkatauhan, sa ibabaw ng bato ng gawain na Aking isinasakatuparan ngayon. Ang mga tao ay maglilingkod din sa Akin sa templo. Ang altar, na balot ng marurumi at nakasusuklam na mga bagay, ay Aking dudurugin at itatayong muli. Ang mga bagong silang na tupa at guya ay ihihilera sa ibabaw ng banal na altar. Gigibain Ko ang templo ng kasalukuyan at magtatayo ng bago. Ang templo na nakatayo ngayon, na puno ng kasuklam-suklam na mga tao, ay guguho, at ang Aking itinatayo ay mapupuno ng mga lingkod na tapat sa Akin. Muli silang tatayo at maglilingkod sa Akin alang-alang sa kaluwalhatian ng Aking templo. Tiyak na makikita ninyo ang araw kung kailan tatanggap Ako ng dakilang kaluwalhatian, at tiyak na makikita rin ninyo ang araw kung kailan Aking ginigiba ang templo at nagtatayo ng bago. Gayon din, tiyak na makikita ninyo ang araw ng pagdating ng Aking tabernakulo sa mundo ng mga tao. Habang winawasak Ko ang templo, gayundin ay dadalhin Ko ang Aking tabernakulo sa mundo ng mga tao, habang minamasdan nila ang Aking pagbaba. Pagkatapos Kong durugin ang lahat ng bansa, titipunin Ko silang muli, mula roon ay itinatayo ang Aking templo at itinatatag ang Aking altar, upang ang lahat ay maaaring maghandog tungo sa Akin ng mga alay, maglingkod sa Akin sa Aking templo, at matapat na ilaan ang kanilang mga sarili sa Aking gawain sa mga bansang Gentil. Sila ay magiging katulad sa mga Israelita sa kasalukuyan, ginayakan ng kasuotan at korona ng saserdote, ng kaluwalhatian Ko, si Jehova, sa gitna nila, at ng Aking kamahalan na umaali-aligid sa kanila at nananatili sa kanila. Ang Aking gawain sa mga bansang Gentil ay ipapatupad din sa parehong paraan. Tulad ng Aking gawain sa Israel, gayon din ang magiging gawain Ko sa mga bansang Gentil, sapagka't palalawakin Ko ang Aking gawain sa Israel at palalaganapin ito sa mga bansa ng mga Gentil.
Ngayon ay ang panahon kung kailan ang Aking Espiritu ay gumagawa ng mga dakilang bagay, at ang panahon na sinisimulan Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Higit pa, ito ay ang panahon na pinagbubukud-bukod Ko ang lahat ng nilalang, inilalagay ang bawat isa tungo sa kani-kanyang kaukulang uri, upang ang Aking gawain ay maaaring magpatuloy nang mas mabilis at mas mabisa. At kaya nga, ang Aking hinihingi pa rin sa inyo ay ialay mo ang iyong buong pagkatao para sa lahat ng Aking gawain, at, higit pa, na dapat mong damahin nang malinaw at tiyakin ang lahat ng gawaing Aking nagawa na sa iyo, at ibuhos ang lahat ng iyong lakas tungo sa Aking gawain nang ito ay magiging mas mabisa. Ito ang dapat mong maunawaan. Tigilan ang pakikipaglaban sa isa't isa, ang paghahanap ng daang pabalik, o paghahabol sa mga kaaliwan ng laman, na makakaantala sa Aking gawain at sisira sa iyong magandang kinabukasan. Ang paggawa ng gayon, na malayong magbigay sa iyo ng pangangalaga, ay magdudulot ng pagkawasak sa iyo. Hindi ba kahangalan ito para sa iyo? Iyang buong pag-iimbot mong kinahuhumalingan ngayon ay ang mismong bagay na sumisira sa iyong kinabukasan, samantalang ang sakit na iyong pinagdurusahan ngayon ay ang mismong bagay na nagbibigay ng pangangalaga sa iyo. Dapat mong malinaw na malaman ang mga bagay na ito, upang iwasan ang mga tukso mula kung saan mahihirapan kang bunutin ang iyong sarili at iwasang mapasugba sa makapal na hamog at hindi mo nakikita ang araw. Kapag nahahawi ang makapal na hamog, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa dakilang araw ng paghatol. Sa panahong iyon, ang Aking araw ay napalapit na sa sangkatauhan. Paano mo tatakasan ang Aking paghatol? Paano mo matitiis ang nakapapasong init ng araw? Kapag ipinagkakaloob Ko ang Aking kasaganaan sa tao, hindi niya ito pinahahalagahan sa kanyang dibdib, bagkus ay isinasantabi ito sa isang lugar kung saan walang makapapansin nito. Sa araw na Ako ay bumababa sa tao, hindi na niya matutuklasan ang Aking kasaganaan o masusumpungan ang mapapait na salita ng katotohanang Aking sinabi sa kanya matagal na ang nakalipas. Siya ay tatangis at iiyak, sapagka't naiwala na niya ang kaningningan ng liwanag at nahulog tungo sa kadiliman. Ang inyong nakikita lamang ngayon ay ang matalim na espada ng Aking bibig. Hindi pa ninyo nakita ang pamalo sa Aking kamay o ang ningas na ipinansusunog Ko sa tao, at kaya nga kayo ay mapagmalaki at mapagmalabis pa rin sa Aking presensya. Kaya nga nakikipaglaban pa rin kayo sa Akin sa Aking tahanan, pinasusubalian ng dila ng tao yaong Aking nasabi na sa Aking bibig. Ang tao ay hindi natatakot sa Akin, at bagaman patuloy na nakikipag-away sa Akin hanggang ngayon, wala pa rin siyang takot man lamang. Mayroon kayong dila at ngipin ng hindi-matuwid sa inyong mga bibig. Ang inyong mga salita at gawa ay katulad niyaong sa ahas na tumukso kay Eva sa pagkakasala. Hinihingi ninyo sa bawat isa ang mata para sa mata at ngipin para sa ngipin, at nagtutunggali kayo sa Aking presensya para mag-agawan ng puwesto, katanyagan, at pakinabang para sa inyong mga sarili, nguni't hindi ninyo nalalaman na palihim Kong binabantayan ang inyong mga salita at gawa. Bago pa man kayo dumating tungo sa Aking presensya, natunugan Ko na ang kaibuturan ng inyong mga puso. Ang tao ay palaging nag-aasam na tumakas sa pagkahawak ng Aking kamay at iwasan ang pagmamasid ng Aking mga mata, nguni't hindi Ako kailanman umilag mula sa kanyang mga salita o gawa. Sa halip, sadya Kong hinahayaan ang mga salita at gawang yaon na makita ng Aking mga mata, upang maaari Kong kastiguhin ang di-pagkamakatuwiran ng tao at ipatupad ang paghatol sa kanyang paghihimagsik. Kaya nga, ang lihim na mga salita at gawa ng tao ay laging nananatili sa harapan ng Aking luklukan ng paghatol, at ang Aking paghatol ay hindi kailanman naalis na sa tao, sapagka't labis ang kanyang paghihimagsik. Ang Aking gawain ay sunugin at dalisayin ang lahat ng salita at gawa ng tao na binigkas at ginawa sa presensya ng Aking Espiritu. Sa ganitong paraan,[a] kapag nilisan Ko ang daigdig, mapapanatili pa rin ng mga tao ang kanilang katapatan sa Akin, at maglilingkod pa rin sa Akin gaya ng ginagawa ng Aking mga banal na lingkod sa Aking gawain, hinahayaan ang Aking gawain sa daigdig na magpatuloy hanggang sa araw na maging ganap ito.
Pinagmumulan: https://tl.godfootsteps.org/the-work-of-spreading-the-gospel-is-also-the-work-of-saving-man.html
_________________________________________________
Ang paghihirap ang pinakamalaking biyaya ng Diyos sa atin. Bakit ko sinasabi ito? Ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga paghihirap na ito?